Feeding the Love Tank

Ano ang Feeding the Love Tank?

Ito ay ang partnership ng ating riders community sa mga charity para magshare ng ating resources. Lahat ng ating mga canceled orders ay ibibigay natin sa mga charity community para tapusin ang hunger ng bawat isa sa kanila.

Sa tuwing tayo ay mabibigyan o makakaencounter ng canceled orders, ibibigay natin ang mga pagkain sa kanila instead na i-dispose lang ang mga ito.

Paano ito?

Isusurrender natin ang mga canceled orders sa mga partner communities natin. Kalakip nito, ibibigay natin ang order code ng canceled order at irerecord ito ng community partner representatives. Ang aming management ay nakamonitor at malalaman namin kung kayo ay nagsusurrender ng pagkain o hindi.

Oras ng Pagsurrender:

Depende ito sa ating mga partner community. Mayroong button sa baba kung saan ka pwede maghatid ng canceled order na malapit sayo.

Kung alcoholic bevarages naman ang canceled orders gaya ng alak, automatic na disposed ito ano mang oras at hindi na kailangang i-surrender sa mga stations.

Sa ngayon, sa kaunti palang ang station na available. Hinihikayat na lahat ng karatig na city at zone ay makiisa sa project na ito. Sa oras na magbukas ang lahat ng stations, magiging mahigpit na ang management sa pagmomonitor at pagsasagawa ng project na ito.

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved