Foodpanda Rider Insurance Program

Mandatory Health Insurance

Sa halagang 280 pesos, insured ka na!
  • 1 year coverage;
  • Applicable sa 18-60 years old na actively working; at
  • Isang beses lang babayaran sa isang taon.

Ano ang health insurance at bakit importante ito?

Ang health insurance ay isang risk management tool na kaya kang sagutin pagdating sa mga emergency na kakailanganing gumastos sa ospital at mga pangangailangang may kinalaman sa kalusugan.

 

Bilang isang rider, ito ay importante dahil sa araw-araw na pagbiyahe, maraming pwedeng mangyari at mainam na protektado ka at may sasalo sayo kung sakaling may hindi kanais-nais na pangyayari na maaaring maganap.

 

Ang mandatory health insurance na ito ay naka-focus sa protection at security mo bilang isang foodpanda rider pagdating sa mga aksidenteng maaaring mangyari lalong lalo na sa araw-araw na biyahe.

COVERAGE NG INSURANCE

Accidental Death and Disability Benefit

  • Kapag namatay dahil sa aksidente ang insured member, makakatanggap ang pamilya ng Php 70,000.

  • Kapag nagka-injury dahil sa aksidente ang insured member, maaari siyang makatanggap ng up to Php 70,000.

    • Importante na ito ay ma-report within 180 days mula nang mangyari ang aksidente.

    • Kapag ito ay lumagpas sa 180 days, hindi na tatanggapin ang claim.

  • Example: Ang rider ay naaksidente na nagresulta sa isang injury. Makakatanggap ang member ng Php 50,000 dahil sa injury. Sa susunod na siya ay maaksidente ulit at ma-injure, Php 20,000 na lang ang maximum na maaari niyang matanggap mula sa dating Php 70,000.

Double Indemnity

  • Ang indemnity ay ang security at protection laban sa mga hindi inaasahang kawalan dahil sa aksidente.

  • Under ng double indemnity ang pagkaputol ng isang body part dahil sa aksidente.

  • Ang bawat body part ay may katumbas na halaga, at doble ng halagang ito ang maaaring matanggap ng insured member up to Php 70,000.

    • Conditions:

    • Kapag ang member ay nakasakay sa isang public utility vehicle at naaksidente ito; o

    • Kapag ang member ay nakasakay sa elevator sa loob ng isang establishment at siya ay naaksidente.

  • Example: Ang rider ay naaksidente na nagresulta sa pagkawala ng isang body part. Ang body part na ito ay nasa halagang Php 10,000. Makakatanggap ang insured member ng Php 20,000 sa pagkawala ng body part na ito. Sa susunod na ito ay maulit, Php 50,000 na lang ang maximum na maaari niyang matanggap mula sa dating Php 70,000.

Death due to Accident or Sickness

  • Kapag ang insured ay namatay dahil sa anumang dahilan, makakatanggap ang kanyang pamilya ng Php 5,000.

Accidental Medical Reiumbursement (AMR)

  • Kapag ang treatment ay isinasagawa dahil sa injury mula sa aksidente, maaaring makapag-reimburse ang insured member ng up to Php 10,000.

  • Ang medical treatment ay dapat na isinasagawa ng attending physician, kailangan ito ay suportado ng medical record and/or admission at discharge proof mula sa ospital, at pati na rin ang certified statement of account.

  • Ang maaari lang ma-reimburse ay ang talagang necessary at reasonable na medical expenses.

Daily Hospital Income Benefit (DHIB)

  • Kapag ang insured member ay na-ospital at kinailangang tumanggap ng medical treatment bilang resulta ng injury mula sa aksidente, makakatanggap ng Daily Hospital Income Benefit na Php 300 para sa bawat araw ng hospital confinement hanggang sa tatlumput-isang (31) araw.

24/7 Call-a-Doc (TeleCare)

  • Sa isang taon, mayroong anim (6) na tawag ang insured member para sa TeleCare.

  • Ang TeleCare ay isang special service na nagbibigay ng 24/7 na online consultation, management, at treatment ng mga non-emergency o non-life threatening cases sa pamamagitan ng phone call, video conference, at internet (kapag kinakailangan) para sa murang halaga. Ang consultation ay isasagawa ng duly-licensed physicians ng TeleCare.

    • Mga benefits na binibigay ng TeleCare:

      1. Nagbibigay ng convenient at madaliang access sa professional medical care mula sa bahay, opisina, o anumang lokasyon na hindi kinakailangang pumunta sa medical facility.

      2. Mas mababa ang risk of exposure sa mga infections o mga sakit na maaaring makuha sa pagpunta ng ospital dahil hindi na kakailanganin ng insured member bumisita sa isang medical facility upang makatanggap ng treatment mula sa licensed physician.

      3. Mas makakamura ang insured member dahil hindi kakailanganin kumuha ng unnecessary diagnostic tests na karaniwang required kapag pumupunta sa mga emergency rooms at diagnostic clinics.

      4. Nagbibigay ng electronic prescriptions via e-mail na tinatanggap ng mga pharmacy upang makabili ng gamot.

      5. Nagdedeliver ng gamot sa bahay ng insured member sa murang halaga.

HOW TO ENROLL?

  1. Ang Active Rider ay made-deductan ng isang beses sa isang taon ng Php 280 sa kanyang Thursday payout habang siya ay foodpanda rider pa para sa insurance program

  2. Makakatanggap ng SMS confirmation within 48 hours mula sa Cebuana Lhuillier na ikaw ay insured na!

HOW TO MAKE A CLAIM?

  1. Pumunta sa pinakamalapit na Cebuana Lhuillier branch para mag-file ng claim.

    • Kapag ang insured member mismo ang pupunta, dalhin lamang ang iyong ID.

    • Kapag relative ng insured member ang pupunta, kailangan na may authorization letter mula sa member, at original at photocopy ID ng member.

  2. I-submit sa pinakamalapit na Cebuana Lhuillier branch ang claim requirements.

  3. Within 60 days, makakatanggap ng SMS o e-mail mula sa Cebuana Lhuillier ng advice kung paano ma-claim ang insurance benefits.

 

Maaring i-claim na ang claim benefits sa pinakamalapit ng Cebuana Lhuillier branch nationwide.

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

  1. Covered pa rin ba ng insurance kapag off duty? Oo.

  2. What if nagresign or terminated na ang rider? Automatically cancelled na ang insurance.

  3. What if inactive ang rider? Covered pa rin ng insurance ang inactive rider basta’t hindi siya nagresign legally or terminated.

  4. What if may insurance na iba ang rider sa Cebuana Lhuillier? Once na nagexpire ang unang insurance ng rider, made-deduct siya ng Php 280 para sa mandatory insurance program.

  5. What if hospitalized or injured ang rider, sino ang pwede magfile ng kaniyang claim? Pwede magfile ng claim ang kaniyang beneficiary. Kailangan lamang ng valid ID ng beneficiary pag nagfile ng claim at authorization letter mula sa rider.

  6. What if the rider is single, sino ang magiging beneficiary? If single and rider, ang first option na magiging beneficiary ay ang kaniyang magulang, if none, ang kaniyang pinakamatandang sibling.

© Foodpanda 2021. All Rights Reserved