News & Stories

Search

A Day in The Life of a Student Ka-Panda.



Ano ang umudyok sayo na mamasada para sa foodpanda? Karamihan sa mga Ka-Panda ay nag-dedeliver para sa magandang kinabukasan, at agree na agree dito si Stefhaniel Ong na pinagsasabay ang foodpanda at ang kanyang pag-aaral. Hindi biro ang gawain ng mga estudyante at isang foodpanda rider, kaya’t ipapakita ng article na ito kung paano nga ba binabalanse ng mga Student Ka-Panda katulad ni Stefhaniel ang kanilang buhay bilang isang Delivery Hero!



On hopes and dreams…


Si Stefhaniel ay isang college student na nag-aaral para matapos ang kanyang kursong Bachelor of Science in Office Administration. Pinapangarap niya na magkaroon ng trabaho na makakapagbigay sa kanya ng stable income gamit ang kursong pinag-aralan niya para din makabili siya ng pinapangarap niyang bahay.




Mga hadlang sa daan


Kahit na siya ay isang consistent honor student, si Stefhaniel ay nalulungkot at nai-insecure pa rin sa kanyang mga kakalase na hindi kailangan mag-trabaho pagkatapos ng klase. Kahit minsan ay nai-inggit siya sa madaling buhay ng kanyang mga kaibigan, iniisip nalang niya na kailangan niyang tanggapin ang katotohanan na magkakaiba talaga ang buhay ng tao. Sabi niya na kahit nahahati ang kanyang oras sa school at sa work, alam naman niya na magbubunga din naman ang kanyang pagpupursige sa foodpanda.



Time management tips


Para mapag-kasya ni Stefhaniel ang kanyang oras sa pagitan ng foodpanda at kanyang pag-aaral, madalas ay nag-aadjust talaga si Stefhaniel sa kanyang mga subjects. Minsan ay magdagdag siya ng oras para sa school at magbabawas para sa foodpanda, at minsan naman ay ang kabaliktaran. Ulat niya na parehas naman itong importante para sa kanya, pero kailangan talagang mag-adjust siya para sa dalawa. Ang importante lang talaga sa kanya ay may walong oras siya ng tulog sa gabi para siguradong mataas ang energy niya everyday.





Message para sa kapwang Student Ka-Pandas


May ilang words of wisdom din na gustong ibahagi si Stefhaniel para sa kanyang kapwang Student Delivery Heroes. Ulat niya na:


To my co Ka-Panda Students na nagsusumikap: saludo ako sa inyo dahil di man natin ma-enjoy ang buhay dahil wala na tayo halos panahon, masaya naman tayo dahil nakakabawas tayo ng bayarin ng magulang natin na limitado sa kakayanan magpaaral satin. Besides that ay nakakapag-serbisyo tayo sa costumers natin by satisfying their cravings. Keep going Ka-Panda! Never lose sight of your goals. Balang araw aanihin din natin ito sa ibat iba nating reward. Tanim lang tayo para in the perfect time meron tayong aanihin. #ProudFoodPandaRiderStudent

Kaya’t sa anumang hadlang sa buhay, kapit lang mga Ka-Panda! Katulad ng sinabi ni Stefhaniel, dadating din ang panahon na ma-aani niyo ang bunga ng inyong pagsisikap!

81 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved