News & Stories

Search

Ability in Disability

Marami tayong mga Ka-Panda na may inspiring at motivating stories at isa na dun si Ka-Panda Jason Papa, isang foodpanda rider sa Cebu na isang amputee. Siya ay na-feature sa MyTV Cebu for being one inspiring frontline hero. Click here to know watch his story.


Ka-Panda Jason Papa doing deliveries. Screen Grab from Frontline Heroes Video on MyTV Cebu Facebook Page


Last March 2020, naaksidente si Ka-Panda Jason na nagresula as pagkaputol ng isa sa kanyang mga paa. Kinukwento ni Ka-Panda Jason na nung una, siya ay nahirapan pero hindi ito naging harang para mag pursigi para sa pamilya at para makamit ang kanyang ultimate dream- ang magkaroon ng prosthetic leg.


Pinili niya maging foodpanda rider dahil gusto niyang magbigay serbisyo sa kapwa niya mga Filipinos. Ang kanyang motivation ay makapagdala ng pagkain sa mga customers na naipit sa kanilang bahay dahil sa pandemic.


Ka-Panda Jason Papa being interviewed. Screen Grab from Frontline Heroes Video on MyTV Cebu Facebook Page


Maraming nainspire sa kwento ni Ka-Panda Jason. Isa na rito ay ang kapwa niya rider sa Cebu na nagshare ng thoughts na kung si Ka-Panda Jason na may disability ay kinakaya ang lahat, kaya rin ng iba. Naging inspiration rin siya sa mga nagiging customers niya dahil sa perseverance at dedication niya. Ilan sa ating netizens ay natuwa at na-amaze sa kanyang kwento.



Isa si Ka-Panda Jason sa libu-libong Ka-Panda frontliners na sinasaluduhan ng nakararami dahil sa bigay nitong story of hope. Maging inspiration sana ang kwento ni Ka-Panda Jason na kahit na may mga problema or obstacles sa buhay, kakayanin natin ito. Sabi nga ni Ka-Panda Jason, “Laban lang.”Always keep your head held high at ride safe, Mga Ka-Panda!


253 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved