News & Stories

Search

Ano ang Pagkakaiba ng Rider Support at Dispatch?



Hindi madali ang buhay ng isang foodpanda rider. Araw-araw, nakakaranas ang mga Ka-Panda ng iba’t-ibang inconvenience katulad ng minor accidents sa daan, o ang pagha-hang ng Road Runner application. Pero ang mga problemang ito ay may simpleng solution! Available ang Dispatch at Rider Support para ma-asikaso ang kung anumang concerns ng mga Ka-Panda. Pero ano nga ba talaga ang difference ng Rider Support sa Dispatch? Basahin ang sumusunod para malaman at mainform!



1. Rider Support vs. Dispatch

Kahit parehas na nag-aassist ng foodpanda riders ang Rider Support at Dispatch, mag-kaiba ang mga functions nitong dalawa. Ang main difference ay ang mga type ng concerns na inaasikaso nito. Ang Dispatch ay nag-aasikaso ng lahat ng problema related sa deliveries. Ang communication din sa Dispatch ay via live chat para mas-mabilis ma-address ang mga delivery concerns ng mga Ka-Panda, Karamihan din ng tao na nasa likod ng Dispatch ay may ibang-lahi, kaya’t mas-maaari kung English ang pakikitungo sa mga operators nito.


Ang Rider Support naman ay para sa mga ibang concerns ng mga foodpanda riders outside ng deliveries nila. Para ma-contact ang Rider Support, kailangang gumawa ng ticket sa Roadrunner application, at babalikan ng operator ang concern as soon as possible. Di tulad ng Dispatch, ang operators ng Rider Support ay Filipino, kaya’t maaring kausapin ito ng Tagalog para mas ma-explain ang inyong problema.



2. Example na tanong


Heto ang mga sample questions at concerns na appropriate itanong sa Rider Support at Dispatch.

Ang mga concern/ tanong na ito ay hindi lang limitado sa mga nakalista sa taas. Heto ay mga halimbawa lamang para ma-guide ang mga Ka-Panda sa kung anong office ang makaka-resolve ng kanilang problema.



3. Guidelines


Sa dami ng differences ng Dispatch at Rider Support, nag-kakaisa sila sa pag-gawa ng kanilang best para ma-assist ang mga foodpanda riders! Tao din sila na deserve ang patience at respect, kaya’t here are some tips and tricks para ma-guide sa pag-uusap sa mga Dispatch at Rider Support operators.


Unang-una, importanteng i-maintain ang professionalism habang kinakausap ang mga operators. Tandaan na suot mo ang bandera ng mga foodpanda riders tuwing naka-uniform at naka-shift sila, kaya’t kailangang palagi silang naka-best foot forward tuwing nakiki-usap sa iba para ma uphold ang magandang reputasyon ng mga Ka-Panda. Iwasan ang pag-gamit ng profanities at manitiling polite kahit na minsan ay hindi kayo nag-kakaintindihan ng operator. Nararamdaman nila ang iyong frustration dahil gusto din nilang asikasuhin ang inyong concern ASAP, kaya’t importanteng maging sensitive din sa kanilang feelings. Iwasan din ang pag-send ng unnecessary chats sa mga Dispatcher dahil pwede nilang gamitin ang kanilang time para sa pag resolve ng totoong concern ng ibang rider.


Alamin na ang pag-gamit ng foul words sa customers, dispatchers, at rider support ay may consequences! Ang isang Ka-Panda ay pwedeng ma-suspend for 2 days sa una niyang offense, 5 days sa pangalawang offense, at aabot ng termination sa pangatlong offense. Kaya't palaging be mindful sa mga salita na ginagamit mo, Ka-Panda!



Be guided sa mga reminders na ito, Ka-Panda! Importante ito para ma-maximize ang facilities na ino-offer ni foodpanda!


467 views1 comment

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved