News & Stories

Search

Bakit nga ba nagniningning ang mga Ka-Panda?

Sa sobrang daming restrictions due to pandemic, minsa’y nasa isip na ng mga tao na hindi kumilos. Dapat ngayong Christmas season ay maraming nagaganap pero lahat ay naging limited.


Pero kahit ganito pa man, hindi nagpatinag ang ilan sa ating amazing Ka-Pandas na pinili mag-share ng kanilang blessing this Christmas Season! Sino sino nga ba sila?


Ka-Panda William: Act of Kindness for the Homeless


Si Ka-Panda William ay isa sa mga naging main actors sa ating Magniningning mga Ka-Panda Tribute video at isa rin siya sa mga kinikilalang vloggers sa ating rider community. Ayon sa kanyang kwento, kalahati ng kanyang naipon from the video shoot ay ginamit niya para makapagbahagi sa ilang homeless on Christmas Day.


Ka-Panda Charles giving out foodpacks to the homeless


Kasama ng kanyang mga kaibigan, sila ay nag-ikot sa Manila para mamigay ng foodpacks. Click here para mapanuod ang buong video.


Screenshot of some comments on Ka-Panda William's Facebook Post


Maraming netizens ang natuwa sa act of kindness ni Ka-Panda William kaya umani ang kanyang video ng maraming likes, shares, and comments na nagpapa-abot ng pasasalamat sa kanya.



Ka-Panda Andy: Santa Panda on Christmas Day


Si Ka-Panda Andy naman ay nagsurpresa ng iba’t ibang tao na mas may pangangailangan. Ayon sa kanyang post, ang kanyang natabing pera na dapat ipangreregalo sa mga inaanak ay ibinahagi nalang niya sa mga people in need gaya si Nanay Mani, isang tindera ng balot at penoy sa F. Carlo.


Ka-Panda Andy and Nanay Mani


Ang pasasalamat ni Ka-Panda Andy na siya ay healthy buong taon at sinabing hindi na niya kailangan pa ng ibang regalo.


Maliit na halaga lang pero kahit papano nakapag pasaya ako ng kapos kahit hindi na ako makatanggap ng regalo masaya na ako dahil natapos ang taon na buhay at walang sakit. Siya po pala si Nanay "Mani" nagtitinda po sya ng Balot at Penoy sa F. Carlo sa tapat ng Basketball court sana po maabutan po natin siya ng tulong sa mga kapwa ko rider na nakakaluwag-luwag. Salamat binahagi ni Andy sa kanyang post.


Screenshot of some comments on Ka-Panda Andy's Facebook Post


Gaya kay Ka-Panda William, maraming nagpa-abot ng pasasalamat sa kind heart ni Ka-Panda Andy.


Ka-Panda Charles: A Kuya for All


For our last amazing Ka-Panda, ito ay si Ka-Panda Charles. Si Ka-Panda Charles, along his other friends ay nagbigay ng munting mga regalo at nagpalaro sa mga bata sa mga nasunugan sa Quiapo, Manila.


Ka-Panda Charles with our other Ka-Pandas


“Kaya nga napagdesisyunan po namin na magsagawa ng gift giving specially sa mga kids. Kasi para ss amin, ang pasko ay for kids po. And ayon po. Nag ambagan po kami para makabili ng mga gifts at foods. Mga nagbigay po ng donations para makadagdag po sa bibilhin namin for 75 families (30 kids total of 137 people po na affected ng sunog last October 23 2020)." Binahagi ni Ka-Panda Charles.


Recipients of Ka-Panda Charles' Gifts: Quiapo, Manila Residents


Dagdag pa ni Ka-Panda Charles, “Sobra saya lang kasi kahit sa simpleng plano po namin para sa pasko, para sa mga taong mas nangangailangan, e nagawa po namin ng maayos at masaya. Lalo nat may mga taong umalalay at tumulong po sa amin.”


Maraming batang napangiti sa ginawang maliit na handog nina Ka-Panda Charles, mga Ka-Panda, at kanyang mga kaibigan.


Siguradong maraming Ka-Panda ang piniling mag-celebrate ng Pasko kasama ng mga mga mas nangangailangan. Sina Ka-Panda William, Andy, and Charles ay ilan lamang sa mga Ka-Panda na may heart of gold.


Truly ang mga Ka-Panda ay nagniningning saan mang lugar o sa kahit ano mang panahon. Keep being the hope of our nation and ride safe!


156 views0 comments

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved