News & Stories

Search

This is how a Ka-Panda Stays Safe and Dry.



Ngayong pumapasok na ang Pilipinas sa rainy season, importanteng maging prepared para labanin ang peligrong dulot nito! Basahin ang sumusunod na tips, mga Ka-Panda, para maiwasan ang sakit at lamig na dulot ng ulan.



1. Tutukan ang mga updates ng PAGASA, Meralco, at Water companies



Critical na palaging informed sa sitwasyon ng panahon para maka-prepare ng maayos in advance. Alamin kung anong storm signal ang ine-expect na bumagsak sa lugar niyo para hindi mabigla sa himagsik ng hangin at ulan. Importante din ang mga update ng Meralco at water companies para malaman kung mag-kakaroon ng brownout o water cut-off dahil sa bagyo.



2. Kung maari, huwag ng lumabas



Kung lumalakas na ang hangin at ulan sa labas, huwag na piliting lumabas ng bahay. Sa gitna ng bagyo, madalas nadadali ang mga namamasada ng mga debris na dulot ng malakas na hangin at ulan. Iwasan ang ma-injure by staying at home dahil mas importante ang iyong kaligtasan kesa sa iba pang rason! Halagahan ang sariling kaligtasan!



3. I-charge ang lahat ng gadgets



Maging prepared para sa posibleng brownout at i-charge ang lahat ng necessary na gadgets. Importante din na may load ang mga cellphone sa bahay para makatawag sa mga emergency numbers kung kinakailangan.



4. Mag-ready ng sariling go-bag



Kung sakaling lumakas ang hangin at ulan at kinakailangan mag-evacuate, mag-handa ng go-bag na may canned goods, potable water, extra clothes, at medical kit para isang buhat nalang. Ang pag-preprepare nito in advance ay makakaiwas sa pag-tataranta kung maka-experience talaga ng isang sitwasyon na kailangan ng emergency evacuation.



5. Alamin ang naka-planong evacuation plans



Lastly, kausapin ang lahat ng tao sa bahay tungkol sa mga emergency plans tuwing makakaranas ng emergency situations. In the event na kayo ay mawala sa isa't isa, alam ng lahat kung saan ang meet-up point niyo later on. Importanteng alam ng lahat sa pamilya kung anong gagawin sa panahon na nagkakataranta na ang lahat.


Sundin ang mga simpleng guidelines na ito para ready na ready para sa kahit anumang sitwasyon! Stay safe and dry, mga Ka-Pandas!


220 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved