News & Stories

Search

Bayanihan ng Ka-Panda, Ipinamalas sa Cebu!


Photo taken from the Team Pandanihan Cebu Facebook Page


Tagos sa puso ang kindness na ipinakita ng mga Cebu Ka-Panda dahil sa kanilang initiatibong “Team Pandanihan” kung saan hinalo nila ang mga salitang Panda at Bayanihan. Tiyak na bayanihan nga ang ipinamalas ng mga Ka-Panda na ito noong sila’y namigay ng mga foodpacks at water bottles sa mga walang tirahan noong July 26, 2020. It turns out na common occurrence na ito para sa Team Pandanihan na regular na nag-aarange ng mga charity rides around Cebu. Kitang kita ang tuwa ng mga Ka-Panda na ito sa kanilang nagawang acts of kindness sa pictures ng kanilang mga event!



Nag-viral din ang mga posts ng mga nasabing Ka-Panda sa social media, to the point na nakuha nila ang attention ng isang local radio station kung saan sila’y naka-schedule na ma-interview. Panoorin ang video na ginawa ng mga Ka-Panda tungkol sa initiatibong ito.



Saludo kami sa puso at pagbubukas-palad na ipinakita niyo sa kapwa niyong Cebuano, Team Pandanihan! Nawa’y ma-inspire ang lahat ng mga Ka-Panda na tumulad sa inyong example!

168 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved