News & Stories

Search

Benefits of a Manulife Insured Ka-Panda!


Photo by Riders Frontliners Spotted


Last May 18, 2020, nag-announce ang Manulife na mag-bibigay sila ng FREE Personal Accident Insurance para sa mga foodpanda riders! Siguradong meron sa mga Ka-Panda na nag-babasa nito ang naka-receive ng text that says na kasali sila sa giveaway na ito. Pero ano nga ba talaga ang cino-cover ng sinasabing insurance program? Basahin ang sumusunod para malaman ang mga benefits ng isang Manulife Insured Ka-Panda!



1. Coverage ng Manulife Insurance



Ang Manulife Rider Insurance ay para sa mga Active Drivers na between the ages 18 to 60 years old. Dapat walang kahit anumang physical disability ang mga Active Drivers na ito para maka-qualify para sa insurance program ni Manulife na valid from May 13, 2020 until August 10, 2020.


Kung isa ka sa mga Ka-Panda na naka-receive ng text na nagsasabi na kasali ka sa mga covered ng insurance, congratulations! Na-meet mo ang lahat ng requirements ni Manulife, at isa ka sa mga foodpanda riders na nabigyan ng opportunity na ito!


Hindi mo na kailangang mag-apply pa dahil naka white-list na ang inyong pangalan sa database ng Manulife at foodpanda. Pag naaksidente ang isang Manulife Insured KaPanda, ire-review muna ang kanyang aksidente bago masabi kung eligible nga talaga siya para sa insurance payout ni Manulife. Hintayin lang ang mga representatives ng foodpanda na mag-approach sa inyo at sila na ang mag-proprocess ng inyong insurance claims o concerns.



2. Benefits ng Manulife Insurance


Pero ano nga ba ang silbi ng insurance coverage na binibigay ni Manulife? Ang insurance ni Manulife makes sure na ikaw at ang pamilya mo ay protected in the event na ikaw ay pumanaw o maaksidente. Kung ang rider na covered ng Personal Accident Insurance ay pumanaw dahil sa isang rider-related accident, ang kanyang pamilya ay makaka-receive ng pay-out na nasa halaga ng 50,000 pesos galing kay Manulife. Ang 50,000 na ito ay ang consumable coverage ng insurance program.


Makaka-receive din si rider ng pay-out kung siya ay naaksidente at nagkaroon ng loss-of-use sa kahit anumang parte ng katawan. Ang pay-out ay magva-vary sa anong parte ng katawan ang nadali sa aksidente. Basahin ang table na pinagbabasehan nito sa baba.



For example, may na-aksidenteng Ka-Panda at nawalan siya ng lahat ng daliri niya sa isang kamay. Noong ni-review ni Manulife ang kanyang case at nadiskubre na siya ay elligible para sa Personal Accident Insurance, siya ay makaka-receive ng 40% ng kanilang principal amount based on sa table na nasa taas. Ang 40% na ito ay made-deduct sa consumable na inital 50,000 peso coverage for foodpanda riders, at yung remaining ay ang basis para sa consumable ng future accidents.


Hindi rin pwede ang multiple claims sa isang accident. Kung ang isang Ka-Panda ay na-aksidente at nawalan siya ng lahat ng daliri niya sa isang kamay at ng paningin sa isang mata, ang makukuha lang niya ay ang claim na may mas-mataas na payout. Sa case na ito, mas mataas ang claim ng kawalan ng paningin sa isang mata, kaya’t ang Ka-Panda na ito ay makaka-receive ng 50% coverage lamang.



3. Exclusions


Sa dami ng benefits na binibigay ni Manulife, kailangang tandaan na ang benefits na ito ay para sa mga rider-related accidents lamang. Hindi makaka-tanggap ng payout ang isang Manulife Insured Ka-Panda kapag siya ay pumanaw o nag-karoon ng loss-of-use sa anumang parte ng katawan dahil sa sumusunod:

  • Suicide;

  • Impluensya ng kahit anumang droga o alcohol;

  • Gera;

  • Air travel;

  • Violence na nag-occur sa mga riots, civil commotion, strike, etc.;

  • Earthquake, Volcanic Eruptions, o Tidal Wave;

  • Nuclear Weapons Material;

  • Murder o provoked assault;

  • Pagpapanganak, o kahit anumang complications ng panganganak;

  • Pagkabaliw;

  • Namana na sakit o kahit anumang complications na galing dito;

  • Insect bites;

  • Habang gumagawa ng act na labag sa batas;

  • Kahit anumang sakit aside from bacterial infections na nang-gagaling sa accidental cut or wound


Ang insurance ay nag-vavary on a case-to-case basis, pero laging tandaan na ika’y laging protected habang nag-seserbisyo ka, Ka-Panda! Unahin ang inyong kalusugan, at ride safe palagi!

1,666 views11 comments

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved