Search

Act of kindness of our Cebu City riders!

Updated: Mar 16

Basta Ka-Panda, hindi nagdadalawang isip mag-give back at mag-share ng kanilang blessings sa ibang tao!

Nung March 11, 2021, ang Solid Brotherhood Bikers (SBB) Foodpanda ng Cebu City ay nagkaroon ng charity ride! Over 200 meals ang kanilang ibinahagi sa kanilang mga nadaanan sa areas ng Tres de Abril, Labangon, Tisa, F. Llamas, E. Sabellano, Basak, Pardo, Bulacao, Inayawan, at C. Padilla. Kasama sa kanilang mga binigyan ng meals ang mga homeless, less fortunate, at mga tricycle drivers na lahat ay nagpupursige sa gitna ng pandemya.


Sabi ni Ka-Panda Albert Singcol, ang founder ng SBB, naisipan daw nila gawin ang charity ride na ito dahil they want to give back the blessings that they have received, lalo na ngayong may pandemya dahil nasuportahan nila ang kanilang mga pamilya sa pagiging foodpanda rider. At dahil hindi sila nawalan ng biyaya despite ang circumstances na kinakaharap ng mundo ngayon, nais nilang magbahagi ng tulong sa mga taong nangangailangan, kahit sa simpleng paraan.

Nabanggit din ni Ka-Panda Albert na alam nila ang pakiramdam na mangailangan ng tulong, kaya naman gusto nila maging blessing sa buhay ng iba even just for a day and a meal!


Through heroic acts like these, makikita na ang ating mga Ka-Panda ay very selfless at giving kahit sa mga taong hindi nila kilala.


Patuloy niyo kaming napapahanga sa kabutihang loob ninyo, mga Ka-Panda! Mabuhay at more blessings to come!

79 views0 comments

© Foodpanda 2021. All Rights Reserved