Search

Dumayo naman sa Cagayan de Oro: Paano pa mas na-strengthen ang Ka-Panda Community doon?

Updated: Jun 15

All over the country na talaga ang community visits -- just proof na napakarami at napakalaki na nga talaga ng Ka-Panda family!





Kinamusta naman ang mga Ka-Pandas sa Cagayan de Oro sa recently naganap na pagbisita ng foodpanda doon kung saan ang kanilang mga concerns, suggestions, at comments para sa ikabubuti ng community ay napakinggan din.





From discussing about service fees, bookings or shifts, dispatching, at iba pa, mas nilinaw ang mga naging issues o challenges ng community sa pagserbisyo nila sa kanilang area. Bilang marami din ang kabilang sa kanilang area, may iilang aberya rin about sa pagkakakuha ng orders based on their vicinity, division of batches, at iba pa. Pero dahil naging fruitful at positibo ang discussion, tiyak na all of the discussed matters ay mas gagawan pa ng paraan para mas maging convenient ang serbisyong binibigay ng mga Ka-Pandas.


"These community visits are opportunities for us to collaborate in making sure that the concerns of the riders are heard and that we work hand in hand in addressing them." sabi ni Jao Manahan, Operations Manager ng foodpanda. Dagdag pa niya, nakaka-touch daw na lahat talaga ay willing to cooperate in making the community better.


Once again, this visit made way for the strengthened relationship of foodpanda with the riders. Ito ay isa sa mga nagiging testimonya na it is through open discussion kaya naaayos ang mga problema at mas nagiging maayos ang community.


Hanggang sa susunod pa na community visits! Kitakits, Ka-Pandas!


76 views0 comments