News & Stories

Search

EMC Stories: Para kanino ka bumibiyahe, Ka-Panda?

Wala tayong paghihirap na pagdadaanan na natin kayang malampasan.

Si Ka-Panda Roland at ang kanyang bike mula sa EMC Prado Auto, Inc.


Si Ka-Panda Roland Uligan ay isang foodpanda biker na bumibiyahe mula Trese Martires, Cavite papuntang Makati para sa kanyang shift. Bago ang pandemya, isa siyang part-time pool attendant at part-time foodpanda biker, kaya kinaya pa niyang magbayad ng doble upa para sa kanyang family sa Cavite at para sa tuwing siya ay nagtatrabaho sa Makati. Ngayon, isa na siyang full-time Ka-Panda biker dahil pansamantalang closure ng mga pools due to safety protocols.


Kahit na tatlong oras ang biyahe papuntang Makati at tatlo muli pauwi sa Cavite, hindi nito napipigilan si Ka-Panda Roland na kumayod para sa makapag-provide sa kanyang pamilya.


One night, nag-decide umidlip dahil sa pagod si Ka-Panda Roland. Nang magising siya, nagulat siya na wala na ang kanyang bike, his only source of income ngayong pandemya. At that point, halos hindi na daw niya alam ang kanyang gagawin at halos sumuko na siya, ngunit nung nakita niya ang kanyang anak at asawa, naisip niya na hindi siya pwedeng sumuko at gagawan niya ng paraan para makapagtrabaho pa rin.


Ang kwentong ito ay naibahagi niya sa iba’t ibang Ka-Panda hanggang sa umabot ito sa foodpanda management at EMC Prado Auto, Inc. Through his touching story and dedication, siya ay binigyan ng EMC Prado Auto, Inc. ng brand new bike na pwede niyang magamit sa pang araw araw na trabaho. kaya naman nabigyan siya ng tulong sa pamamagitan ng isang bagong bike!


Ang bike ni Ka-Panda Roland mula sa EMC Prado Auto, Inc.


“Sobrang laki ng tulong ng foodpanda sa akin, dahil hindi ko alam anong gagawin ko nung dumating ang pandemic na wala ang foodpanda. Ito ang naging main source of income ko lalo na nung nawala yung aking pagiging pool attendant,” sabi ni Ka-Panda Roland.


Sana ay na-inspire kayo sa biyahe ng buhay ni Ka-Panda Roland! Kahit anong problema, kakayaning malampasan basta alam natin kung bakit tayo patuloy na bumibiyahe at lumalaban, mga Ka-Panda!

19 views0 comments

Recent Posts

See All

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved