News & Stories

Search

EMC Stories: Pursigidong Ka-Pandad


Marami ang naging biktima ng recession due to the pandemic. Libo-libong ang nawalan ng trabaho at si Gerry Connonigo ang isa sa mga ito. Alongside sa challenge na hinaharap niya, ang kanya matagal na pinag-ipunan na bike na ginagamit sa kanilang pangkabuhayan ay nanakaw. Dahil isa siyang single parent, naging sobrang hirap ang situation nila.


Nakita ni Gerry ang post tungkol sa Pay It Forward project ng foodpanda at EMC Prado Auto, Inc. kung saan nagbibigay ng free bike ang EMC alongside ang chance maging isang foodpanda biker. Siya ay nag-apply and with grace, isa siya sa mga na-accept na applicants.


Video from EMC Prado Auto, Inc.


“Iniintindi ko nalang din po yung mga pagsubok at [sinasabi sa sarili] na kaya ko rin lagpasan ang mga problema” binahagi niya sa kanyang interview.


Dahil sa perseverance at pagkakaroon ng genuine na puso, si Ka-Panda Gerry ay bumabiyahe na rin at nagdedeliver ng orders with his new bike from EMC. Naging malaking tulong ang daily income na kanyang nakukuha niya sa pagiging isang foodpanda biker.


Photo from EMC Prado Auto, Inc.


Sobrang nagiging challenging ang mga nangyayari sa ating mundo pero with the right perspective at pagiging pursigido, malalampasan ang lahat! Always think positive, mga Ka-Panda!




104 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved