News & Stories

Search

Every Ka-Panda Booster You Need.


Photo taken from Riders Frontliners Spotted Facebook Page


Ang mga Ka-Panda ay palaging on-the-go. Araw-araw, sila ay bumabangon ng maaga para bumiyahe sa kalsada. Habang sila naka-shift ay nakaabang din sila para sa opportunidad na makapag-padala ng masasarap na pagkain sa mga naghihintay na customers. Sa dami ng ginagawa ng mga Ka-Panda on a day-to-day basis, kailangan ng kanilang katawan ng kakayahan upang maka suporta sa ganitong lifestyle. Para makamit ang isang malusog na katawan na matatag sa kahit anumang sitwasyon, kailangan makuha ng mga Ka-Panda ang kanilang nutrisyon galing sa pagkain na kinakain nila. Pero paano nga ba makakamit ito? Basahin ang sumusunod para malaman ang mga vitamins na essential para sa lifestyle ng mga Ka-Panda, at ang mga pagkain kung saan ito pwedeng makuha!



1. Vitamin B Complex and Magnesium

Photo taken from Huffpost Australia


Importante para sa mga tao na may active lifestyles katulad ng mga Ka-Panda ang abilidad na matransform ang energy na nakukuha nila galing sa pagkain into energy na magagamit nila sa kanilang mga daily tasks! Ang Vitamin B Complex at Magnesium ang mga vitamins na makakatulong sa proseso na ito. Ang Vitamin B Complex ay importante para sa metabolism ng katawan at tumutulong mag-convert ng nutrients into energy. Nakakatulong din ito iwasan ang mga infections at nagpro-promote ng cell health. Essential din ang Magnesium para sa tamang pag-galaw ng mga muscles, kung kaya’t kinakailangan ang dalawang vitamins na ito para sa daily functions ng ating mga katawan.


Makukuha ang Vitamin B Complex sa mga meats, nuts, at dairy products, nuts, at pwede naman ding makuha ang Magnesium galing sa tofu.



2. Antioxidants


Photo taken from Medical News Today


Kahit tayo ay maingat, kadalasan ay hindi din tayo makakaiwas sa mga masasamang chemicals na hindi angkop para sa ating mga katawan. Dahil palaging on-the-go ang mga Ka-Panda, ang lifestyle na ito ay nagiging sanhi ng “oxidative stress” sa kanilang mga muscles, lalong-lalo na kung mahahaba ang kanilang shifts. Buti nalang at maaring i-off set ang stress at chemicals na ito gamit ang mga Antioxidants! Ang Antioxidants ay nag-sisilbing proteksyon ng katawan laban sa mga free radicals upang maiwasan ang damage sa mga healthy cells. Dahil dito ay pwedeng makuha ang benefits ng physical movement o exercise without damaging our bodies! Kaya’t essential ang substance na ito para sa mga Ka-Pandas na madami pang gagawin pagkatapos ng kanilang mga shifts.


Kumain ng bawang, grapes, kalabasa, at mangga para sa inyong daily dose of Antioxidants!


3. Calcium and Vitamin D

Photo taken from Clean Plates


Dahil sa pamamasada ng mga Ka-Panda, hindi maiiwasan ang sakit sa buto dahil sa strain ng pagkamaneho ng bisekleta o motorsiklo for extended periods of time. Dahil dito ay importante ang pag-intake ng Calcium at Vitamin B dahil ang dalawang vitamins na ito ay nagtutulungan para masiguardo ang kalusugan ng ating mga buto. Ang Calcium ay isang essential mineral sa pag-papatayo at pag-supporta ng mga malalakas na buto, at nag-aassist sa pag-function ng nerves at ng ating kalamnan. Ang Vitamin D naman ay kailangan para sa proper absorption ng Calcium, kung kaya’t ang pag-intake ng dalawang ito ay makaka-ensure ng malulusog na katawan para sa mga Ka-Panda.


Mag-luto ng mga recipes na may dairy products katulad ng milk, yogurt, at cheese, tsaka ng mga green vegetables katulag ng kale at broccoli upang makakuha ng inyong daily dose ng Calcium at Vitamin D.



4. Zinc


Photo taken from SelfHacked

Sa panahon ng lumalaganap na pandemic, importante ding halagahan ang ating immune system, lalong lalo na para sa mga Ka-Panda na babad sa mga pollutants sa labas habang sila ay namamasada. Para manatiling safe sa kahit anumang sakit at peligro, lakasan ang pag-intake ng Zinc dahil ito ang sumusupporta sa ating mga immune system, at tumutulong din ito para sa wound healing. Importante ang vitamin na ito para sa mga Ka-Panda na parang frontliners na din na nag-seserbisyo sa halip ng crisis na ito.


Kumain ng madaming talaba, spinach, at sardinas upang mapatatag ang inyong immune system gamit ang Zinc!



5. Multivitamins

Photo taken from Your Health


Hindi limitado sa mga na-mention sa listahang ito ang mga vitamins na kailangan para sa ating nutrisyon. Ito ay naka-base lamang sa on-the-go lifestyle ng mga Ka-Panda. Padaliin natin ang buhay natin gamit ang multivitamins na makakapag-bigay ng vitamins na kailangang gamitin para sa todong kalusugan. Bagamat madali itong inumin, hindi ito dapat ginagawang substitute para sa nutrisyon na makukuha galing sa mga masusutansyang pagkain. Importante din ang balanseng diet para sa pangkalahatang kalusugan ng ating mga katawan.



Kaya’t huwag niyong pabayaan ang inyong kalusugan, mga Ka-Panda! Kumain ng mga masusustansyang pag-kain upang makamit ang malusog na katawan na lahat nating pinapangarap!




296 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved