News & Stories

Search

Everything You Can Learn Using the Internet.




Masasabi na makapangyarihan talaga ang internet dahil sa dami ng pwedeng magawa gamit nito. Dahil sa pandemic ngayon, nakakatulong din ang internet para masagawa natin ang ating mga trabaho, katulad ng pag-coconnect sa dispatcher tuwing kayo’y nagdedeliver. Pero sa dami ng pwedeng magagawa online, alam mo bang madami ka din pwedeng matutunan dito? Heto ang mga skills na kayang-kaya mong i-upgrade in the comfort of your own home, all thanks to the internet!



1. Arts & Crafts


Photo taken from Sandstone Wonders


Magaling ka ba sa arts & crafts? Hasaain mo pa ang skills mo sa drawing, painting, pag-crochet, at pag-tahi gamit ang mga arts & crafts blogs na makikita online! Inilalatag ng mga blog na ito kung paano gumawa ng mga simpleng designs hanggang sa mas bonggang patterns gamit ang mga madadaling intindihan na steps. Maari mo ding gawing negosyo ang mga produkto na mapro-produce mo gamit ang mga tutorials na ito! Oh diba, hobby mo na, naging pagkakitaan mo pa!



2. Budgeting


Photo taken from Technobezz


It's never too late to start tracking your finances, mga Ka-Panda! Sulitin ang mga applications na available sa app store at Google play store na pwedeng makatulong sa pag-save at pag-track ng kwarta na galing sa iyong hard earned deliveries. Gamitin ang technology para malaman ang trends ng iyong income at expenses upang makadiskarte ka for the upcoming months!



3. Keyboard Typing

Photo taken from Lighthouse for the Blind and Visually Impaired


Nagiging necessary skill na din ang pag-type ng mabilis dahil sa paglaganap ng internet. Pwede na din tong pagkakitaan bilang sideline dahil tumataas na din ang demand para sa mga transcriptionist. Gamitin lamang ang online games na nakakahasa ng iyong speed sa pag-type. Nakisaya ka na nga, nakakuha ka pa ng isang marketable skill na makakapagkakitaan mo!



4. Photography

Photo taken from Philnews.ph


Alam mo bang kayang-kaya mong maging photographer gamit lamang ang camera ng phone mo? Upgrade your selfie game gamit ang mga photography tutorials na mahahanap online! Kung sakaling ma-inspire ka na mag-upgrade to a professional camera set-up, pwede mo nang magamit ang iyong panibagong photography skills para mag start ng sarili mong blog, o baka naman sa pagiging freelance photographer tuwing wala ka sa shift! Laking internet ang next Jason Magbanua!



5. Culinary Skills

Photo taken from Antonio Carluccio


Mahilig ka bang kumain? Aralin kung paano lutuin ang mga nakakatakam na dishes na nakikita mo on social media gamit ang mga tutorial videos na makikita on Youtube. Maaring mahanap ang mga easy recipes ng mga simpleng dish katulad ng grilled cheese at adobo flakes, at ng mga advanced na pagkain katulad ng pork sisig at kare-kare online! Surpresahin mo na din ang pamilya mo sa pag-luluto ng inyong susunod na hapunan, all thanks to the internet! Natakam ka din ba, Ka-Panda?



Tuloy parin ang pag-aaral, mga Ka-Panda, dahil life ends only when we stop learning. Gamitin ang tips na ito para ma-upgrade ang skills na makakatulong sa inyo in life!


106 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved