News & Stories

Search

Foodpanda Values the Riders’ Lifestyle Kasama ng Cherry Prepaid!

Updated: Jul 7


From left to right, Francis Bataclan of Cherry Prepaid and Jao Manahan of foodpanda


Unti-unting dumadami ang telecommunications partners ng foodpanda with the recent addition of Cherry Prepaid! Nag-tagpo ang representatives ng bawat companya na si Jao Manahan, ang Community and Communications Leader ng foodpanda, at si Francis Bataclan, ang Key Account Supervisor ng Cherry Prepaid, upang i-finalize ang collaboration na ito, as seen in the picture above. Dito din nangyari ang turnover ng Cherry Prepaid sims na gagamitin ni foodpanda bilang pang-giveaway sa mga lucky riders!


Ang mga sims na mare-receive ng mga napiling riders comes with a FREE prepaid promo that includes 60 minutes of calls to Cherry Prepaid, Globe, and TM, 100 texts to all networks, at 1.5 GB Data Allowance na valid for 7 days after nila ma-activate ang kanilang sim. Ito ay parte ng trial program ni Cherry Prepaid upang sila’y makagawa ng optimal foodpanda rider exclusive promo, na this time, ay available na para sa lahat ng interested Ka-Pandas.


"Una sa lahat, taos puso kaming nagpapasalamat sa Cherry Prepaid para sa pagbibigay ng libreng sims para sa mga foodpanda riders. Masayang araw din ito para sa mga Ka-Panda dahil lumalawak na ang options nila for connectivity solutions. Tulad ng Cherry Prepaid, gusto namin masigurado na angkop sa kinakailangan ng mga riders ang mga promos na inilalatag namin para sa kanila, kaya't kami ay full support para sa mga campaigns na makakapag-improve pa sa offer ng telecommunications partner na ito," sabi ni Jao Manahan ukol sa trial period ng promo na ito.

Stay tuned, mga Ka-Panda, para sa mga updates tungkol sa promo na ilalabas ng Cherry Prepaid! Let’s celebrate our new partnership with Cherry Prepaid!


For more information, bisitahin ang partners page ng Cherry Prepaid.


231 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved