Search

Gaano ka-importante ang vaccines sa mga Ka-Panda?




As part of the movement to eliminate the threat of the vaccine, importante ang proteksyon ng mga Ka-Pandas lalo pa’t kayo ay frontliners na nagbibigay ng essential service sa lahat. Kaya naman bilang isa sa mga riders na face of foodpanda, saludo ang lahat sa bravery ni Ka-Panda Maria bilang representative sa A4.4 Vaccine Program ng SM Mall of Asia.


On facing anxieties


Kwento ni Ka-Panda Maria, noong tinawagan daw siya para i-represent ang foodpanda para sa vaccination program na ito ay akala raw niya para lamang sa mga iilang riders ito, pero laking gulat niya noong maraming mga kilalang tao at media na nagcover sa nasabing event. Nagulat daw siya at na-overwhelm especially when nagsink-in na sa kanya na siya ay babakunahan. Dahil sa kanyang mga pangamba, pumasok sa isip niya na umuwi nalang. Ngunit, naglakas loob si Ka-Panda Maria para tuluyang mabigyang proteksyon ang sarili at kanyang mga mahal sa buhay laban sa COVID-19..


On overcoming fear for safety


Kaisa ni Ka-Panda Maria ang foodpanda sa programang ito maging ang mga susunod na riders na magpapabakuna. Ito ang isa sa mga rason bakit napawi ang takot at anxiety na nararamdaman niya patungkol sa bakuna. Lubos din siyang nagpapasalamat sa opportunity na naibigay sa mga Ka-Pandang kagaya niya at sa mga susunod pa na ma-poproteksyonanlaban sa COVID-19. Sabi pa niya, bilang isang televised event na dinalo ng mga kilalang tao at experts, napagtanto niya na wala naman daw siyang dapat ipangamba.




On being thankful


When asked if nagre-regret ba siya, ang sabi ni Ka-Panda Maria, “Hindi naman po maiiwasang matakot sa una dahil na rin po sa mga news pero gaya nga po ng sabi ni Boss Jao Manahan, para po yun sa safety namin especially since madalas po kaming nasa labas at iba-ibang tao po nakakasama namin.”


“Yung mapapayo ko po siguro sa kapwa ko riders. wag tayong matakot to get the vaccine kasi its for our own benefit. Isipin natin yung pamilyang uuwian natin, lalo na sa estado ng trabaho natin hindi lang po aksidente at galit na customer na-eencounter namin kundi na rin po itong pandemic.” dagdag pa niya.


------

In these uncertain times, mabuti na ang ligtas at sigurado sa kabila ng mga pangyayari sa buhay. Kaya gaya ni Ka-Panda Maria, ang health at safety ang dapat priority sa lahat ng bagay.


Mag-register na para sa bakuna, mga Ka-Pandas! It’s worth the shot—para sa kalusugan mo at ng mga minamahal mo.


Keep safe lagi, Ka-Pandas!


527 views0 comments