News & Stories

Search

How do Ka-Pandas Maintain Their Tires?

Updated: Jun 26



Ang kabuhayan ng mga foodpanda rider ay nakasalalay sa kanilang sasakyan. Ang kanilang mga bike o motor ay essential para sa day to day activities ng mga Ka-Panda dahil ito ang nakasisigurado na on-time darating ang pagkain sa customer. Pero ano nga ba ang pwedeng mangyari kung damaged ang gulong ng nasabing sasakyan? Importanteng i-maintain regularly ang gulong ng mga bike at motor, kaya’t sa tulong ni Dunlop, masasagot na ang mga nakakagambalang tanong tungkol sa Tire Safety! Basahin ang sumusunod na interview sa baba.


1. Paano mo malalalaman na well maintained ang gulong ng iyong sasakyan?


Ang maayos na gulong ay makaka-provide ng maximum grip sa parehas na dry at wet conditions upang masigurado ang safety ng rider sa kahit anong weather condition. Kailangan din ng isang gulong ang durability para sa long term use at cost efficiency. Lahat ng Dunlop street tires ay mayroon ng mga nasasabing katangian. On average, ang mga Dunlop street tires ay nag-tatagal ng 10k to 12k kilometers na mas higit pa sa warranty ng 3k kilometers o 3 months.



2. Paano mo malalalaman na oras nang palitan ang gulong ng iyong sasakyan?


Ang mga motorcycle tires ay may tread wear indicator na nakalagay sa loob ng mga ukit ng gulong na nagmumukhang humps. Kapag tumataas ang tread surface sa ibabaw ng tread wear indicators, ang tires ay maari paring gamitin, pero kailangan na ng rider na mag-umpisa sa pag-hahanap ng bagong gulong.



3. Gaano ko kadalas kailangan i-maintain ang aking mga gulong?


Ang pinaka-importanteng self-maintenance na magagawa ng isang rider ay ang pag-check ng tire pressure dahil ito ang nakakasigurado na ang mga gulong ay nagpe-perform parin at an optimum level. Ito ay pwedeng gawin araw-araw kung maari. Ang recommended na tire pressure ay nag-iiba para sa iba’t-ibang bike, kaya’t kailangang sunurin kung ano mang nakalagay sa bike manual.



4. Paano ko masisigurado ang longetivity ng aking mga gulong?


Ang over-inflated tires ay nag-bibigay ng hard ride at nag-papabilis ng center tread wear. Ang under-inflated tires naman ay nagre-resulta sa imprecise cornering, higher running temperatures, irregular tread wear, fatigue cracking, at eventual failure ng tire carcass, kaya’t importante ang pag-gamit ng optimal air pressure para sa mas tumagal ang mga gulong mo.



5. Bakit kong kailangan magkaroon ng magagandang gulong?


Kung meron mang dalawang bike parts na hindi dapat kinukuripot, ito ang mga brakes at tires. Ang dalawang ito ay ang nag-hahawak ng pinaka-essential na papel sa pag-control at pag-stop ng bike, kaya’t importanteng mag-install at gumamit ng mga manufacturer specified parts o after-market versions na mataas ang quality at performance. Ang mga gulong naman ay nagsisilbing primary suspension at ground control ng isang sasakyan-- kasama na dito ang acceleration, braking, at cornering. Dalawa lang ang gulong ng mga motorsiklo, at ang buhay ng rider ay nakasalalay dito. In almost all cases, price reflects quality, performance, at durability. Ang mga premium tires ay kadalasang nag-ooffer ng best sa tatlong aspect na ito, pero siya'y nagiging mas magastos kaysa sa mga secondary at tertiary brands. Buti nalang at ang Dunlop ay nag-bibigay ng premium tires na walang premium price kaya’t pasok na pasok ang value proposition sa kanila.


And there you have it, mga Ka-Panda! Thanks to Dunlop, mas lumalawak nanaman ang kaalaman ng mga Ka-Panda! Tandaan ang mga tips na ito para manatiling safe on the road!


240 views3 comments

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved