News & Stories

Search

Globe at foodpanda, Nagsama Para Mabuo ang KAPANDA PLAN 500 for the Riders!

Updated: Jun 29


From left to right, Mr. Jemar Villocillo (BearBro) and Mr. Jao Manahan


Nagsama-sama ang foodpanda at ang Globe Business para makapag-create ng program na makaka-supporta sa trabaho ng mga foodpanda riders! Ang Globe KaPanda Plan 500 ay ginawa habang iniisip ang budget ng isang Ka-Panda, kaya’t sa halagang 500 pesos lamang per month, makaka-enjoy na ang mga foodpanda riders ng 2GB allowance para sa Business Surf, 1GB allowance para sa Waze, at unliited calls and texts to all networks. Ayon kay Ms. Jeramie Memoriacion, ang Senior Account Manager ng Globe Business, ang program na ito ay nilikha para masigurado ang productivity ng fleet ni foodpanda. Sabi niya’y,


“We wanted to help them [foodpanda riders] make their jobs more convenient and hassle free so that they can provide the best experience to their customers. We are also expecting a bulk number of applications in the first week of launching this project, so we’ll use the feedback from the riders to help us improve our offer”.

(Gusto naming gawing mas convenient at hassle free and trabaho ng foodpanda rider para maka-provide sila ng magandang experience para sa kanilang mga customer. Nag-eexpect din kami na madaming mag-aaply sa unang week ng pag-launch ng project na ito, kaya’t gagamitin namin ang feedback ng riders para mas ma-improve pa ang offer namin.)



Globe x foodpanda Promotional Poster


Sumasangayon din ang partido ni foodpanda sa damdamin ng Globe tungkol sa kung ano ang inaasaahang epekto ng postpaid plan na ito sa mga foodpanda riders.


“Saksi kaming lahat dito sa foodpanda sa pagsisikap na nilabas ng Globe para lang maparating ang optimal na postpaid plan para sa mga riders. Sa lahat ng ino-offer nila sa ating fleet, hindi na made-deny ang kanilang papel sa pag-supporta ng trabaho ng mga foodpanda riders, kaya’t masasabi ko’y sila’y nagpapauna sa pag-taas ng productivity ng mga Ka-Panda, kasama ng iba pa naming mga partners,” sabi ni Jao Manahan, ang Community & Communications Manager ng foodpanda.

Parehas din ipinahayag ng Globe at foodpanda ang kanilang hangarin na ipatuloy pa ang partnership na ito sa hinaharap.


“As a whole, we are looking for more projects with foodpanda, depending on what they need. For now, I'm targeting the digital marketing atmosphere to have a collaboration that involves an offer to the foodpanda customers,” sabi ni Memoracion.

(Sa kabuuan, kami’y naghahanap ng mas-madaming projects kasama ng foodpanda, depende sa kinakailangan nila. Sa ngayon, tinatarget ko ang digital marketing atmosphere para sa collaboration na mang-aalok ng foodpanda customers mismo.)


“Simula palang ito ng ano pang pwede naming gawin kasama ng Globe Business. Ang Globe KaPanda Plan 500 ay isa lamang sa madaming idea na nalikha para sa mga riders, at ang mainit ng pag-tugon ng riders sa campaign na ito ay nagsisilbing apoy sa aming hangarin na makapag-bigay ng madami pang programa na mutually beneficial para sa lahat ng parties involved,” dinagdag ni Manahan.

1,178 views6 comments

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved