News & Stories

Search

How do Ka-Pandas deal with Fake News?


Photo taken from Riders Frontliners Spotted on Facebook


Sa panahon ng teknolohiya, madami ng pwedeng panangalingan ang news na nakikita natin on social media. Maari ito manggaling sa groups na sinasalihan natin, sa chats kasama ng ating mga kaibigan, sa pages na finofollow natin, at madami pang iba. Mas malala ang implikasyon nito para sa mga Ka-Panda, na nag-rerely sa internet para makakuha ng updates tungkol sa trabaho nila. Pero sa dami-dami nating nakikita sa ating mga newsfeed, paano kaya mafifilter out ang totoong news sa peke? Basahin ang mga sumusunod na tips para malaman kung paano labanan ang lumalaganap na fake news!



1. Ano ang fake news?


Ang definition ng fake news ay nasa pangalan na mismo: fake, hindi makatotohanan. Maari ito maging authentic news, pero nalagay in a different context. Maari din ito mangaling sa imposter sites ng mga popular at legitimate na sites. Alamin na ang fake news ay may intensyon na mang-ligaw ng mga tao sa tamang impormasyon na makakabuti sa kanila.



2. Paano lumalaganap ang fake news?

Ang fake news ay lumalaganap kapag bigla-biglaang naniniwala ang mga tao sa mga nakikita nila on social media, at shini-share sa iba pang tao. Kung walang mag-veverify kung ang impormasyon na ito ay tama, maaring lumaki ang fake news hanggang sa hindi na alam ng mga tao kung ano ba talaga ang totoo o hindi.



3. Paano ko malalaman kung ang impormasyon ay fake news?


Itanong sa sarili ang mga sumusunod tuwing nakakakita kayo ng impormasyon sa social media.


Saan ito nanggaling?

Alamin kung nanggaling ang impormasyo sa isang reputable source. Bilang isang foodpanda rider, ang mga official at verified channels na inatasan na mag-announce ng legit na news ay ang Foodpanda Riders Community Facebook Page, Foodpanda Philippines Riders Telegram Channel, Pandariders Website, at ang Roadrunner application lamang. Kung ang impormasyon tungkol sa rider announcements ay naggaling sa iba pang source maliban sa nasabi, maaring fake news ito.


Sino ang sumulat nito?

Nanggaling ba ito sa isang reputable na tao na may awtoridad na gumawa ng announcements? Kadalasan ay legitimate ang news na nilalabas ng mga persons-of-authority dahil may kasamang bigat ng kanilang pangalan at companya ang kanilang mga salita, kaya’t i-double check kung nanggaling nga ito sa isang tao na may awtoridad na gumawa ng mga official announcements.


Kelan ito sinulat?

Importante din na i-check ang date ng impormasyon dahil minsan, pwede din maging fake news ang outdated news. Kadalasan ay ang news na relevant noong 2015 ay hindi na relevant ngayong 2020 dahil nag-iba na ang circumstances ngayon kaya’t aalahanin na i-check ang date kung kelan nasulat ang isang impormasyon.



4. Paano ko lalabanan ang fake news?

Always be vigilant. Alamin na ikaw lang ang makaka-filter ng impormasyon na nakikita mo on social media, kaya’t take it upon yourself na maka-judge kung ang ito ay fake news o hindi. Always question what you see in social media, at huwag maniniwala ng bigla-biglaan sa mga announcements online. I-evaluate muna ang news na nakikita mo gamit ang mga tanong na nakalahad sa taas.



It won’t hurt to stay vigilant, mga Ka-Panda! Damdamin ang mga reminders na ito para palaging informed on how to deal with fake news online!


290 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved