News & Stories

Search

How do Ka-Pandas manage their income?



Dahil sa foodpanda, libo-libong mga riders ang nabibigyan ng kakayahan na makapag-ipon para sa kinabukasan ng kanilang pamilya. Kadalasan ay tinuturing full-time job ang pagiging Ka-Panda dahil sa opportunidad na kumita ng malaki sa paghahatid ng mga deliveries. Pero nakikita mo ba kung saan napupunta ang kinikita mo kada-buwan? Basahin ang sumusunod para malaman kung paano palakihin, patagalin, at palawakin ang kwartang naiipon mo bilang isang Ka-Panda!



1. Pay yourself first method


Photo taken from Zavvi


Tiyak na maraming gastusin ang mga breadwinner ng pamilya. Iniintindi nila ang mga bayarin para sa kuryente, tubig, renta, pag-kain, tuition, at iba pang essentials upang masiguro ang comfort at kinabukasan ng kanilang pamilya. Pero ano ang ginagawa nila sa naiiwan na pera kada-buwan? Ayon sa mga financial experts, mas makakatipid ang isang tao kung itatabi muna niya ang kanyang ipon bago mag-budget para sa kanyang mga gastusin. Ito ay ang “pay yourself first” method that makes sure na may ipon kang naka set aside galing sa sahod mo kada-buwan. Importante ang ipon para sa mga Ka-Panda dahil pwede itong mag-silbi bilang emergency fund para sa kahit anumang sitwasyon!



2. Mag-invest


Photo taken from Medium


Maaari ding gamitin ang nasabing ipon bilang puhunan para sa mga investments. Ang investments ay kung saan maglalaan ka ng pera para sa isang venture kung saan sa tingin mo ay makakakita ka ng pera. Isang popular na investment nowadays ay ang pag-tayo ng sariling negosyo. Kung ikaw ay may sariling negosyo, pwede ito maging isa pang source ng income bukod sa sahod mo bilang isang Ka-Panda, at siguradong may extra income ka na!



3. Bumili ng Insurance


Photo taken from Investopedia


Isa pa sa mga wise investments ng mga Ka-Pandang laging prepared ay ang pag-bili ng insurance. Mahalaga ang security ng kinabukasan mo at ng pamilya mo. Walang nakakaalam kung ano ang mangyayari in the future, kung kaya’t importante ang pag-iinvest sa insurance dahil dito nakakasiguro na ikaw at ang pamilya mo ay naaalagaan sa anumang sitwasyon!



4. Treat yourself


Photo taken from Sourcing Journal


Alam namin ang hirap at pagod na nararanasan niyo araw-araw, mga Ka-Panda. Minsan, kailangan natin i-reward ang sarili pagkatapos natin magpakapagod sa trabaho, kaya’t it won’t hurt to treat yourself once in a while! Kailangan mo na ba ng upgrade para sa iyong phone? O gusto mo lang ba ng bagong pantalon na pwedeng gamitin sa susunog mong date kasama ng iyong asawa? Ang mga reward na ito ay nagsisilbing motivation to work harder sa susunod na buwan. Pero tandaan, gumastos in moderation.



Sundin ang mga tips na ito, mga Ka-Panda, to make the most of your income! Abot kaya ang ating mga pangarap kung tayo’y magsisikap na para makamit ito, kaya choose to make the change today!


941 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved