News & Stories

Search

How do Ka-Pandas Stay Safe on the Road?



Kung tutuusin, ang trabaho ng isang foodpanda rider ay hindi madali. Ang mga Ka-Panda ay hindi lamang naka-expose sa sukob ng pandemic ngayon, pero pati na rin sa mga peligro ng pag-mamaneho sa kalsada. Dahil dito, importanteng alamin ng mga foodpanda riders kung papaano nila protektahan ang kanilang sarili habang sila’y nagmamaneho. Basahin ang mga sumusunod na tips para malaman kung paano maging isang safe Ka-Panda habang on the go!


1. Mag suot ng protective gear

An ounce of prevention is better than a pound of cure. Walang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa daan, kaya’t it’s better to be safe than sorry! Magsuot ng helmet habang nagmamaneho para siguradong protected ang ulo sa anumang sitwasyon. Kung maari, gumamit din ng helmet na may eyeshield para maiwasan ang pagpasok ng alikabok sa mata.



2. Obserbahan ang speed limits

Para sa mga motorsiklo, ang speed limit ay 80 km/h sa mga national at provincial roads, 40 km/h sa mga kalye o boulevard na walang traffic, 30 km/h sa mga city at municipal roads na may light traffic, at 20 km/h para sa mga crowded streets, school zones, at kalye na kailangang lumipas sa mga stationary vehicles. Kailangang mag-maneho within these speed limits dahil ang mga ito’y nag-sisilbing gabay para sa safe ang lahat ng motorista. Importante din ito dahil sinisigurado na protektado hindi lamang ang rider, pero pati na rin ang ibang tao na nasa kalsada.



3. Siguraduhin na ika’y gising at hindi lasing

Mahirap na nga ang mag-maneho ng motorsiklo, paano pa kaya kung ika’y lasing at mahina ang coordinasyon? Importante ang pagiging alert habang namamasada dahil sa dami ng posibleng mangyari sa daan. Kung impaired ang iyong kamalayan dahil ika’y inaantok o lasing, nilalagay mo ang sarili mo sa panganib kung ika’y magmamaneho sa nasabing state. Siguraduhing klaro ang iyong pag-iisip habang nag-dedeliver para ma-ensure ang iyong safety!



4. I-maintain regularly ang motor/ bike

Ang motor ng isang motorista ay ang kanyang instrument para maka-punta from point A to point B. Kung ang iyong vehicle ay defective o nag-mamalfunction, nag-iincrease ang chances na ika’y maaksidente sa daan. Para maka-sigurado sa iyong safety sa daan, mag-conduct ng maintenance check every month with a trusted mechanic. Importante din i-check ang mga parts sa iyong sarili bago ka lumabas at mamasada to make sure na walang sirang parts sa iyong vehicle.



Tandaan ang tips na ito para smooth ang pag-dedeliver, mga Ka-Panda! Halagahan ang iyong safety, at ride safe always!


568 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved