News & Stories

Search

How do Ka-Pandas cope with stress?

Updated: Sep 3


Photo taken from Riders Frontliners Spotted on Facebook


Sa panahong maraming pangyayari ang hindi inaasahan, gaya ng COVID-19 outbreak at mga effects nito sa ating pang araw-araw na buhay, hindi maiiwasan ang paminsan-minsan na stress. Natural lamang ang malungkot, mangamba, at ma-stress lalo na sa ganitong panahon.


Pero don’t worry Ka-Panda, mayroong iba’t ibang ways of coping with stress according to WHO (World Health Organization). Narito ang six ways of coping:



1. Talk to friends and family


Photo taken from entrepreneur.com


On days na sad, stressed, scared, o kung ano pa man, reach out to your family and friends, Ka-Panda! Mapa-text, tawag, o video call man. Magandang mag-release ng saloobin sa mga taong malapit ang pinagkakatiwalaan natin. Siguradong tanggal ang stress pag nakipagkwentuhan ka na with them!



2. Maintain a healthy lifestyle


Photo taken from motivatehealth.com


Kasama sa healthy lifestyle ang proper diet, tama at sapat na oras ng tulog, exercise, at good social life. Magandang example ang pagsama ng prutas at gulay sa pagkain at pag-alala to eat on time kahit madaming deliveries. Tandaan na maraming factors ang nagco-contribute sa kalusugan natin kaya listen to your body!



3. Don’t use negative items to cope


Photo taken from coastaldetox.com


In dealing with emotions, iwasan ang drinking, smoking, at paggamit ng ibang substance na maaaring may masamang epekto sa kalusugan. Ang pag-depend sa vices ay hindi solution sa iyong problema at nararamdaman. Lumapit sa mga pamilya, kaibigan o maghanap ng ibang pwedeng pagkalibangan.



4. Gather updated facts


Photo taken from youtube.com


Sabi nga nila, knowledge is power. Dahil ikaw ay laging nasa labas, dapat lagi kang updated sa mga nangyayari sa iyong paligid. Kung kukuha man ng information sa Facebook, make sure na galing ito sa reliable news sites. Maaasahan ang mga website na nagtatapos sa .org, .edu, at .gov. Lumayo sa fake news to stay safe from false information!



5. Stay away from negativity


Photo taken from happyness.life


Kung alam na walang maidudulot na maganda ang isang bagay, limitahan ang exposure dito, lalo na kung hindi ito kailangan. Good vibes can begin with you! Ang paglayo sa negativity ay magreresulta to positive energy around you and your family.



6. Use your anti-stress skills


Photo taken from evdp.net


Pwedeng tanungin ang sarili: Paano ko ba na-overcome ang stress noon? Saan ako pwede humugot ng lakas? What is the best way to avoid stress? Gamitin ang anti-stress skills na dati nang gumana for you. Maaaring talent, recreational activity, o sport ito! Do what makes you happy, Ka-Panda!



Kung nakakaramdam ng lungkot o stress, tandaan na kasama yan sa journey natin in life! Makakatulong ang pagreflect at paglapit sa inyong loved ones in times of uncertainty. With these six coping mechanisms, sana ay mapagaan ang inyong mga araw at mapuno ito ng good vibes kahit nasan ka man, Ka-Panda!


26 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved