Search

How to deal with cancelled orders? I-return trip lang ‘yan!

Updated: May 26

What’s up, Ka-Pandas?


These days, isa talaga sa mga nagiging problema ng ating mga Ka-Pandas these days are every time orders get cancelled. Ano nga ba ang maaring gawin?


Now available in Metro Manila, South Metro Manila, Cebu and Davao. In the coming weeks, this feature will be open to all cities, nationwide. Ang Return Trips ay isang feature kung saan ibabalik ng rider ang cancelled order sa vendor.




May iba’t ibang guidelines na kailangang sundin para dito upang makaiwas sa mga sanctions. Importante ito para masiguradong ma-cover lahat ng additional expenses ninyo at ‘di kayo ma-sanction:



  1. Ang order code ng return trip delivery ay parehas sa order code ng cancelled order.

  2. Importanteng complete at maayos ang order na ibabalik sa vendor bago i-drop off. Make sure to take a photo para sa proof of delivery.

  3. Again, may penalties ang riders na hindi magbabalik ng items sa vendor or kung maling photo ang i-upload para sa proof of delivery. Ugaliin din na pindutin lamang ang “drop-off” kapag physically na naibigay na ang return trip order sa vendor.

  4. In case hindi inaccept ni vendor ang item, kumuha ng litrato na ito ay iniwan sa location ng vendor then click drop-off. Pagkatapos ay i-report sa rider support na ni-refuse ni vendor ang return trip order.



Ito ay considered as a regular delivery meaning ito ay bayad kaya ‘wag mag-alala, Ka-Pandas! Make sure lang na laging sumunod sa guidelines para no worries kayo. Mag-ingat lagi at maraming salamat!



For more information, maari ninyong i-check ang Ka-Pandas' official telegram channel: https://t.me/Pandaridersph

1,048 views1 comment