News & Stories

Search

How to Reach Your Goals in Just 3 Steps!

Updated: Jul 20


Photo from Riders Frontliners Spotted on Facebook



Saan mo nakikita ang iyong sarili sampung taon mula ngayon? Ayon sa mga eksperto, karamihan ng mga succesful na tao ay mayroong long term goals kung saan sila’y tumutungo. Sabi din nila na naka-base ang bawat galaw at desisyon ng mga successful na tao sa nasabing goals.


Tiyak na madami kang pangarap para sa sarili mo tulad ng makapagtayo ng sariling bahay, o makapagtapos sa pag aaral. Pero paano mo ma-aachieve ang future na pinapangarap mo? Basahin ang mga sumusunod upang malaman kung paano mag-set ng proper long term goals, at kung paano ito makakamit!



1. Vision Board


Photo taken from HowStuffWorks



Mahilig ka ba mag drawing o sa arts & crafts? Kahit “hindi” ang sagot mo sa tanong na ito, sure na makakatulong ang paggawa ng Vision Board para ma-visualize ang iyong long term goals.


Simple lang ang paggawa ng Vision Board. Step 1, pag-isipan kung ano ang gusto mong makamit in the future. Kapag alam mo na ang iyong mga hangarin, sundin ang Step 2: you can now start drawing or making a collage. Hindi mahalaga kung gaano kaliit o kalaki ang mga pangarap mo, o kung gaano ka kahusay sa pag guhit-- ang importante ay na illustrate mo ang lahat ng goals na nais mong makamit.


Effective ang method na ito dahil tinatawag na Visual Beings ang mga tao. Kapag gumawa ka ng sarili mong Vision Board at ito’y dinisplay mo sa bahay mo, paulit-ulit mong pinapaalala sa utak mo kung ano ang gusto mong makamit. Kaya’t sharpen your pencils na, mga Ka-Panda, dahil ito na ang first step mo in leading the life you have always dreamed of.



2. Break It Down


Photo taken from Solo Practice University



Pagkatapos mong ma-visualize ang iyong long term goals, oras na para gumawa ng plano kung paano ito makakamit. Maaring gamitin ang Top to Bottom approach para gawin ito. Ayon sa Top to Bottom method, i-brebreak down mo ang iyong largest goal into smaller milestones, at patuloy mo i-brebreak down ang nasabing milestones into concrete steps.



Photo taken from Location Estate Management



Halimbawa, kung gusto mong makapagayo ng bahay in 10 years, kailangan mo itong i-break down into simpler goals, katulad ng pag-iipon ng pera, pag-scout ng materials, paghahanap ng architect, etc.


Ito ay isang example kung paano mo pwedeng i-exercise ang Top to Bottom method sa paglilikha ng mga steps in order to reach your long term goals! Taluntunin ang halimbawa sa taas with your own goals, mga Ka-Panda, para ma exercise ang inyong mga goal setting skills!



3. Day by Day


Photo taken from Medium


May kasabihan na pag may tiyaga, may nilaga; ang mga hangarin na ninanais mo ay hindi makakamit overnight. Kailangan mong mag-tiyaga at maging matatag sa pagtupad ng iyong smaller goals para maabot ang mga iyong mga milestones at long term goals. Huwag madismaya kung minsan ay nababagalan ka sa galaw ng iyong buhay. You’ll get there someday dahil sa iyong sikap at tiyaga.



Todo supporta kami sa efforts niyo upang makamit ang iyong mga pangarap, mga Ka-Panda! Isapuso ang tips na ito bilang gabay para makamit ang inyong mga layunin!


161 views1 comment

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved