News & Stories

Search

How Important Insurance is?

Updated: Sep 14


Photo from Rider Frontliners Spotted on Facebook


Ang mga aksidente ay hindi laging maiiwasan lalo na kapag nasa daan. Kahit gaano ka-ingat, minsan masasama pa rin sa mga biglaang sitwasyon kaya dapat laging i-consider ang security ng inyong buhay.


Ang insurance ay isang benefit na pwede mong i-avail para handa ka sa mga iba’t-ibang aksidente. Ito rin ay makakatulong para maging financially prepared ka para sa mga expenses idinulot ng aksidente.


Ang pagkakaroon ng insurance ay may maraming benefits. Here are 3 reasons kung bakit importante ang insurance:



1. Financial security



Photo from fool.com


Mahal maaksidente at dapat handa tayo para sa mga expenses na ito bago ito mangyari. Kapag may insurance ka, siguradong may perang nakalaan na magagastos in times of need. Also, posibleng makakuha ka ng financial assistance from your insurance company para prepared ka para sa mga expenses na kailangan mong bayaran.



2. Manage risks



Photo from intelligentcio.com


With having insurance, mas maliit ang chance na malagay ka sa alanganin. Better na ready sa mga unexpected things lalo na sa accidents. Sa tulong ng insurance, mas protected ka sa mga hindi inaasahang situation.


3. Reduce Stress




Photo from tinybuddha.com

Mahirap maaksidente at ito ay pwede maging malaking source ng stress. Kapag may mga situation na hindi nating inaasahan ito ay mahirap hindi lamang para sa iyo kundi para sa pamilya mo din. Ang pagkakaroon ng insurance ay nakakatulong sa pagbawas ng iyong stress dahil alam mo na ano ang mga bagay na covered sa insurance mo at alam mo na kung anuman mangyari, may securidad ang iyong pamilya.


Mga Ka-Panda, mahalaga maging prepared. Sa tulong ng insurance, mas handa ka para sa kahit anong pwede mangyari sayo.


If gusto niyong mag-avail ng insurance, check out our insurance partners, Cebuana and Pru Life UK. Sila ay meron mga great deals nakahanda para sa inyo na abot-kaya at may malawak na coverage. Ang mga aksidente ay hindi laging naiiwasan kaya give yourself extra protection by getting insurance benefits!




53 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved