Search

It’s More Fun to be a Ka-Panda: Kilalanin ang mga successful riders na ito

Updated: 4 days ago



Sa hirap ng panahon ngayon, doble kayod ang kailangan para mas mapaangat ang sarili -- but these Ka-Pandas prove na patience, tiyaga, at hard work lang ang puhunan para makamit ang mga pangarap at ninanais sa buhay. Mahirap pero kakayanin, ang motto ng mga amazing Ka-Pandas na ito. Alamin ang kani-kanilang inspiring kwentos:





Simpleng pangarap, natutupad


Nagmumula sa La Union, proud na shinare ni Ka-Panda Russel na after all his hard work and patience bilang isang rider ay nakabili na siya ng kaniyang pinapangarap na motor. Laking pasasalamat daw niya sa foodpanda sapagkat nakamit niya ito dahil sa opportunities na binibigay ng community. Dagdag pa niya, talaga raw na nakakatulong ang pagbiyahe niya para abutin ang kaniyang mga pangarap at para may maipakain daw sa kanilang pamilya.



Ang advice niya sa kapwa Ka-Pandas: “Be a good Ka-Panda lang, sipagan at tiyagaan pa natin at gawin lang natin ang tama at huwag na wag tayo gagawa ng hindi mabuti.” If there’s a will, there’s a way nga naman -- iyan ang naiprove ni Ka-Panda Russel na hindi rin tumitigil magtrabaho nang mabuti at marangal.


Giving back to the community through talent


Kabilang sa isa sa mga sumisikat na dancing riders group na Panda Snap Cru, si Ka-Panda Zander from Cebu ay isang patunay na beyond giving service, laking saya at entertainment din ang dala ng mga riders sa community. Kwento niya, di raw siya nawawalan ng pag-asa lalo na nung nakapasok siya bilang isang foodpanda rider kahit pa maraming struggles at challenges na dala ang pandemic. Dagdag pa niya, malaki na raw ang naitulong ng pagiging Ka-Panda sa kanya especially dahil nakapag-parenovate na siya ng kanilang simpleng bahay at patuloy na nagiging daan para ma-cover niya ang gastusin sa pamilya.





“Kahit na mahirap ang trabaho, nag-eenjoy pa din ako kasama ang aking kapwa riders at nagbibigay pa kami ng enjoyment sa vendors at customers sa pamamagitan ng pagsayaw.” share pa niya. Finding happiness kahit pa nahaharap sa iba’t ibang pagsubok, iyan ang lubos na hinahangaan sa mga Ka-Pandas gaya ni Zander na nagdadagdag-serbisyo pa through sharing his talent.



Not just giving service to others but also helping their loved ones


“Laking tulong ng foodpanda sa aking pamilya”, kwento ni Ka-Panda Ace mula sa Cagayan De Oro na isang testimonya ng selfless riders na pilit nagpupursige para sa pamilya. Ani niya, kahit pa iba-ibang klase ng customers ang kaniyang naeencounter sa araw-araw, masaya raw siya sa trabaho dahil nakakapagbigay siya ng mga pangangailangan ng customers.





Ngunit ang ipinagpapasalamat daw niya ay nakakatulong siya sa pagtustos ng online classes ng kanyang kapatid. Dahil daw sa pagiging rider ay nakabili siya ng cellphone para sa pag-aaral ng kanyang kapatid. Dagdag pa niya ay laking tulong din daw ito sa pagbabayad ng gastusin sa bahay. More than just being of service to others, ang mapagmahal at mapag-arugang puso ng mga Ka-Pandas like Ace ang dahilan kung bakit sila nagiging inspiration ng marami.


-------


Ilan lamang sila sa mga Ka-Pandas na patuloy na nagbibigay inspiration at proof na it is through hard work and patience kaya nagiging matagumpay sa buhay.


As a community that continues to help others grow and achieve their dreams, lahat ng success na natatamasa ng mga Ka-Pandas ay dahil sa mga mabubuting loob na kanilang ipinapamalas. Kudos sa inyo, Ka-Pandas!


413 views0 comments