Search

Ito ang rason bakit trending ang Cebu Ka-Panda na ito.

Hindi naging hadlang kay Ka-Panda Jayson ang maging isang PWD para makahanap ng magandang opportunity na pangtustos sa pangangailangan ng kanyang pamilya. Kahit na may mga pagsubok na nararanasan si Ka-Panda Jayson, he became an inspiration to many dahil sa tibay ng kanyang loob.



Dahil dito, naging viral ang isang post ng netizen na ipinapakita ang pagpursige ni Ka-Panda Jayson. Ayon sa post ni netizen Kurt, what he saw inspired him to realize na sa kabila ng mga struggles sa buhay ay dapat magpatuloy lang sa pagpursige sa trabaho lalo pa’t may mga PWD na katulad ni Ka-Panda Jayson na patuloy nagsusumikap. Until now, umaani ng views, shares, at reactions ang inspiring Facebook post na ito.


Exclusive nagpahayag si Ka-Panda Jayson tungkol sa kanyang pagsubok sa pagiging ama at isang foodpanda rider. Sabi niya, “Sa awa ng diyos, matagal na ako naghahanap na mapasukan na trabaho para sa pamilya ko. Laking tulong talaga sa akin nung tinanggap ni foodpanda ang application ko na maging rider kahit na may kapansanan ako.” Nagpapasalamat si Ka-Panda kay foodpanda na nag-provide ng pag-asa na mamuhay ng normal.


Hindi lamang foodpanda ang pinasasalamatan ni Ka-Panda Jayson, kundi narin ang mga netizen na-inspire niya. Ulat niya, “Masaya ako na marami akong nabigyan ng inspirasyon nang dahil sa pag-post ng picture ko. Nabigyan ko po sila ng awareness na hindi hadlang ang may kapansanan na magtrabaho at tumulong sa pamilya.”


Tunay ngang nakaka-motivate magtrabaho nang maigi dahil sa determination at resilience na ipinakita ni Ka-Panda Jayson. Sabi pa nga niya, “Kahit may kapansanan ang isang tao, pwede pa rin magtrabaho.” Patuloy ang determination at resilience ng mga Ka-Pandas!


204 views0 comments