News & Stories

Search

Ka-Panda, Burnt out ka na ba?


Photo taken from Riders Frontliners Spotted on Facebook


Mga Ka-Panda naramdaman mo na ba ang burnout? Ang pagiging stressed ay hindi maiiwasan pero dapat hindi ito maging burnout. Ang burnout ay nangyayari kapag hindi natin inaasikaso ang ating stress levels at pinapalipas natin ito ng matagal.


Kapag nararamdaman natin ang burnout, feeling natin na ang ating mga trabaho at mga responsibilidad ay hindi na natin kaya. Apektado ang ating kalusugan, mental health at mga relasyon sa mga tao sa paligid natin.


Ang ilang symptoms nito ay ang depression, hypertension, pagsakit ng mga muscles at pagkairita.


Most especially sa panahon na ito, kailangan nating alagaan ang mga sarili natin. Kapag nakakaramdam ka na ng burnout, ito ay ilang mga tips para magampanan ito:


1. Fix work-life balance


Photo taken from flexjobs.com


Importante ang balance sa buhay! Mahalaga ang trabaho pero mahalaga din ang ating mga buhay sa labas nito. Dapat may oras tayo para sa sarili natin para gawin ang mga hobbies natin.


2. Get enough sleep


Photo taken from psychologytoday.com


Iwasan magpuyat ng madalas. Kapag tayo ay laging pagod, mas nahihirapan tayo mag-cope with stress. Siguraduhin nakakatulog for at least 8 hours sa isang gabi.


3. Reach out to others


Photo taken from relateinstitute.com


Kapag nakakaramdam ka ng burnout, wag mo itong sinosolo! Mas mabigat ang mga problema kapag sinasarili mo ito. Open up sa mga taong pinagkakatiwalaan mo o sa mga taong nakakarelate sa pinagdadaan mo.


4. Set boundaries


Photo from wholebeinginstitute.com


Alamin when to say no. Kadalasan, feeling natin na kailangan natin laging mag-yes sa lahat kahit sobrang pagod na natin. Alalahanin mo na tao lang tayo at hindi natin kayang gawin ang lahat. Kung hindi na natin kaya, okay lang magsabi ng “no.”


5. Exercise


Photo from nytimes.com


Keep the heart pumping! Nakakatulong ang exercise sa stress at burnout. Ito ay isang magandang release sa lahat ng tension nararamdaman mo. Magbigay oras para sa exercise every week. Pwedeng itong maging walking, jogging, swimming or dancing depende sa iyong hilig.


Mga Ka-Panda, ano man ang nararamdaman mo, alamin mo na ito ay valid. Lahat tayo ay nakakaramdam ng stress, lungkot o galit pero dapat ito ay naagapan bago maging mas malala ito. Importanteng alagaan natin ang mga sarili natin.


With the help of these tips, sana gumaan ang iyong mga loob at makahanap kayo ng solusyon para sa iyong karamdaman ng burnout para good-vibes ang lahat!


63 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved