News & Stories

Search

Ka-Pandas we need during Pandemic

Updated: Sep 23



Photo from Kel Alpuerto Doroin


Spotted ang isang Ka-Panda na hindi lang tao ang binibigyan ng service, pati pusa rin! May isang photo naging patok sa rider community ng isang Ka-Panda na nagpapakain ng isang stray cat.


According to the original poster Kel Alpuerto Doroin, bilang isang animal lover, natuwa siya sa generosity at kabaitan ng rider sa pusa.


“Pure kindnessss! 💗💗💗 Kung sino ka man paps! SALUDO AKO SA KABAITAN MO.”


Madaming animal lover na riders sa comments ay nagpakita sa kanilang support kay Ka-Panda. Ito ang ilan sa kanilang comments:


“Ok yan kuya may buhay din sila na dapat natin pangalagaan. God bless sayo ingat palagi!”


“Sana all mahilig sa pet, di gaya ng iba sinasaktan mga alaga.”


Ang mga simpleng acts ng kindness gaya nito ay nakakataba ng puso. Bilang tao, may responsibilidad tayo hindi lang sa isa’t-isang kundi sa mga hayop sa ating paligid.


While hindi alam kung sino ang Ka-Panda na ito, saludo ang community sa malasakit na ipinakita ng rider hindi lang sa tao kundi sa mga animals din.


Mabuhay ka Ka-Panda! Salamat sa iyong malasakit at serbisyo sa kapwa!


211 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved