Search

Ka-Panda vs. COVID-19: Be extra safe while on the road

Updated: 7 days ago


Bilang riders na laging on the road and nakikipag-interact sa iba’t ibang tao everyday, kailangan mag doble ingat, mga Ka-Panda! As frontliners na valued for their effort sa serbisyo ninyo bilang mga delivery couriers, napaka-importante na alagaan ang sarili, mga Ka-Panda!


Ano nga ba ang COVID-19?


Ang COVID-19 ay nagsimulang kumalat sa unang quarter ng 2020, at dahil dito, naapektuhan ang buong mundo at ang buhay ng lahat ng tao. Base sa research ng World Health Organization, ang pinaka-common na symptoms ng COVID-19 ay ang lagnat, dry cough, at fatigue.



Photo from speechling.com

Recently, nagkaroon ng biglaang pagtaas ng cases sa bansa, na nasa halos 6000 cases ang narereport daily. Dahil dito, nagsisimulang mag-implement ulit ng mga additional measures para ma-flatten ulit ang curve.



Photo from freepik.com


Safety tips para maiwasan ang virus


While on the road, wag kalimutan ang mga sumusunod:

  1. Laging suotin ang iyong face mask.

  2. Laging mag-face shield. Maaaring gamitin ang helmet bilang alternative, ngunit siguraduhing mayroon itong visor.

  3. Laging magdala ng alcohol o hand sanitizer.

  4. Siguraduhing sinusunod ang social distancing protocols.

  5. Iwasang hawakan ang mata, bibig, at ilong lalong lalo na kapag hindi ka pa nakakapag-hugas o sanitize ng kamay.

  6. Maghugas ng kamay regularly.


Photo from generalcode.com


At para naman sa tuwing makikipag-interact kayo sa customers:


  1. Siguraduhing nakasuot pa rin ang face mask

  2. Laging mag-maintain ng proper distance between sayo at sa customer kapag mag-aabot ng delivery

  3. I-disinfect ang delivery box matapos ang bawat delivery

Real life heroes kayo, mga Ka-Panda!


Kaya naman, friendly reminder sa ating mga Ka-Panda, bilang frontliners, importante na safe at protected kayo mula sa new variant na ito. Lalo na’t parte ng inyong job ang pagiging laging on the go while interacting with different people.


Importanteng tandaan ang mga ito para sa safety ninyo, bilang mga frontliners, mga Ka-Panda! Dahil patuloy lang ang trabaho ninyo to bring convenience sa mga customers kahit na may pandemya, talaga namang kudos sa inyo, mga Ka-Panda!


‘Wag kalimutan -- kapag nakaramdam ng mga sintomas, importanteng mag-isolate na agad at magpa-swab test upang masiguro ang safety ninyo at ng inyong mga nakakasalamuha.


Always ride safe and stay healthy, Ka-Pandas!


129 views0 comments

© Foodpanda 2021. All Rights Reserved