News & Stories

Search

Keeping a strong faith, on and off the road

Ang ating Muslim Ka-Panda na si Esmael Mocatil ay nag-viral on social media nang makuhanan na nagdadasal sa sidewalk ng isang street sa Manila.


Habang siya ay nagdarasal, nakita daw niya na may kumukuha ng litratro niya, pero hindi niya ito naisip na isang big deal dahil ito naman ay karaniwan niyang ginagawa. Hindi rin niya inexpect na ito ay mavi-viral online.

Si Ka-Panda Esmael na nakuhanan habang nagdadasal sa sidewalk. Photo grabbed from the viral Facebook post of Philippine Star


Lagi niyang dala sa kanyang byahe ang mat o sapin na ang tawag ay Sajjada, para ma-perform ang dasal na Salat na ginagawa ng limang beses sa isang araw sa relihiyong Islam. Nabanggit din ni Ka-Panda Esmael na kahit saan siya datnan, kapag oras na ng kanyang pagdarasal ay tumitigil talaga siya pansamantala ng 3-5 minutes para dito.


Si Ka-Panda Esmael na nakuhanan habang nagdadasal sa sidewalk. Photo grabbed from the viral Facebook post of Philippine Star


Matapos mag-viral ang kanyang pictures, maraming tao ang nag-reach out sa kanya from all around the world wishing him more blessings and goodluck. Siya rin ay na-praise dahil dito, pero sabi niya na ang act na ito ay isang karaniwang bagay lamang sa kanyang araw-araw. Very humble si Ka-Panda Esmael sa pagkwento ng experience na ito!


Let’s always be respectful at supportive sa ating kapwa Ka-Panda for a healthy and positive environment. No matter what your religion may be, at the end of the day, tayo ay part pa rin ng isang community!

80 views0 comments

Recent Posts

See All

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved