News & Stories

Search

#KwentongKaPanda: Ang "Sana All" Goals!



Love is in the air sa foodpanda riders community dahil sa nag-viral na picture na ito! Madaming reacts ang inabot ng pinost na selfie ni Ka-Panda Yham Manalad kasama ang kanyang asawa na isang Ka-Panda din! Ayon kay Ka-Panda Yham, 13 years na silang mag-kasama ni Ka-Panda Eduardo, ngunit recently lang silang dalawa nakapag on-board sa foodpanda. Pumasok sila sa pagiging foodpanda rider para maabot ang pangarap nila na makapag-tapos ang kanilang mga anak. Sinabi din niya na siya at ang kanyang asawa ay happy na happy sa trabaho nila bilang rider dahil hindi na sila nag-woworry kung paano sila makaka-provide para sa kanilang mga anak. In fact, siya ay tuwang-tuwa pa nga dahil sa supporta na ipinapakita ng kanyang customers at kapwa riders, lalo na’t sila’y hanga din sa kanya sa pagiging female rider.


Dahil sa supporta na nakita niya sa riders community ay na-inspire siya i-share ang story niya sa Facebook. Ang caption na nakalagay sa viral post niya ay nag-sasabi:


MR. AND MRS FOOD PANDA
hello po sa mga couple dyan 😍

Inulat niya ito para maka-pag bigay ngiti sa kapwa niyang Ka-Panda, at para din ipakita na kayang gawin ng babae ang mga ginagawa ng lalaki. Todo naman ang aliw ng riders sa comments na nag-bibirong “Sana All” sa sweet na selfie ng mag-asawa.


Todong inspired kami sa kwento niyo, Ka-Panda Yham at Eduardo! Talagang “Sana all” nakaka-pag trabaho katabi ang kanilang mahal sa buhay!

593 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved