News & Stories

Search

#KwentongKaPanda: The Goal Getter Lady Rider



Isang lady rider nanaman ang nag-viral sa mga Facebook groups dahil sa kanyang sipag at tiyaga sa pag-seserbisyo bilang isang Delivery Hero. Si Sarah Francesca Aguja ay isang Ka-Panda na punong-puno ang araw sa kanyang mga raket na humihigit pa sa pagiging foodpanda rider. Ayon sa isang post ni Sarah, siya ay isang negosyante sa umaga, server sa tanghali, at delivery hero sa gabi.




Sa dami ng raket ni Sarah, madami ang nagtataka sa kung papaano niya na-babalanse ang lahat ng ganap niya sa buhay. Ang sagot dito ni Sarah ay dahil ito ay para lamang para sa kanyang mga pangarap. Sinulat niya ang sumusunod sa caption ng isa niyang post:


Wala mahirap sa gusto kumita. Wala ulan ulan o init ng araw para kumita. Wala rin sa kasarian. #iamorginalpandagirlbikerofmakati #sasapaprika #sipaglangparasakinabukasan #bawasreklamopadyaklang #ihopeibecomeinspirationsainyo

Ganap na inspirasyon talaga si Sarah sa kapwa niyang Ka-Panda! Nawa’y tularan natin ang sipag na ipinapalamas ni Sarah sa lahat ng aspeto niya sa buhay!

624 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved