News & Stories

Search

#KwentongKaPanda: From Disc Jockey to Delivery!


Photo taken from Roger D Fabile Jr. and Riders Frontliners Spotted on Facebook



Madami ang namangha sa kwento ni Roger Fabile noong shinare niya ang kanyang storya kung paano siya naging isang Ka-Panda. Ulat ni Roger sa kanyang Facebook post sa FOODPANDA Riders/Bikers Community na dati siyang Disc Jockey o DJ bago magkaroon ng community lockdown dahil sa lumalaganap na pandemic.


Noong siya’y nawalan ng trabaho dahil sa ECQ, na inspire siya sa sipag at tiyaga sa pag-dedeliver ng mga Ka-Panda sa gitna ng crisis, kung kaya’t naisipan niyang pumasok bilang isang foodpanda rider. Ngayong ganap na rider na si Roger, nalaman niya ang tamis ng sikap at sakripisyo dahil sa ginhawang dulot ng trabahong Ka-Panda. Basahin ang kanyang original caption.


Share ko lang mga paps
Bago mag lock down dati akong D.j sa isang club minsan nakaka gig sa ibang club minsan sa mga k.t.v v.i.p Room malaki din kinikita ko dun syempre tu tug tug lang ako sa isang gabi ilang oras lang instant money na bago mag lock down wala pa akong ma isip na pwdeng pasukan hangang sa nag lock down tapos ang dami dami kong na kikita ng riders ng panda so ayun na inganyo ako sumali hard work ang kelangan para kumita ngaun ko na isip na sa club party party sumaya kana me pera kapa ngaun walang ibang pag pipilian kundi ang mag sakripisyo tlga para lang ma buhay sa panahon ngaun kelangan mong tiisin lahat ng hirap sa trabaho ngaun kaya sa mga beteranong nag bibigay minsan sakin ng mga idea salamat sa inyo mga boss amo.. Kaya mga ka panda tiis lang mga paps darating din ang ginhawa ganyan tlga ang buhay... R.s sa lahat ng mga ka gulong panda man or grab kahit anu kapa R.S sa lahat

Ang kwento ni Roger ay patunay sa inspirasyong pinagkaloob niyo sa lipunan dahil sa inyong sikap at tiyaga sa pagdedeliver sa gitna ng crisis, mga Ka-Panda! Nawa’y gawin itong motivation upang makapag Keep Going sa daan!

106 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved