News & Stories

Search

#KwentongKaPanda: Gandang Ka-Panda

The true beauty of a Filipina ang ipinamalas ng dalawang Ka-Panda sa kanilang facebook post. Umani ng madaming reaksyon at paghanga ang ipinost na selfie ni Ka-Panda Jhen Blanca noong June 16, 2020 na may caption:


 “Di bale ng mangitim kaka deskarte kesa pumiti kakainarte 😂

Photo taken from Jhen Blanca


Sinuportahan din ito ni Ka-Panda Ma. Nazareth Gepayo sa kayang comment na:


“Yes tandang tanda ko pano ko naging biker ni panda, working ako noon sa opisina at maliit sahod ko para buhayin mga anak ko, tas SK ako sa barangay kaya kailangan ko hatiin oras ko para magampanan tungkulin ko, nag-aaral rin ako kaya bukod sa gastos sa bahay, sa mga bata at sa pag aaral ko kailagan ko pa ng ibang side line kaya nagdecide ako mag apply kay panda.  Sobrang tuwa ko nung natanggap ako laking tulong sakin to. Until ito nga dumating tong PANDEMIC na to nawalan ako ng trabaho sa opisina pero di ako iniwan ni panda. Naging full time ako dito natulungan ko padin pangangailangan naming mga anak ko. Tas ngayon dahil sayo panda. Nakapagpundar n ako ng maliit na negosyo sooner or later :) hindi mo lang ako customer at biker magiging business partner mo na rin ako. THANK YOU TALAGA. “ 

Photo taken from Ma. Nazareth Gepayo


Karamihan sa mga riders ay mga lalaki at kagaya ni Jhen at Ma. Nazareth, patuloy ang pagdami ng mga lady riders! Sa kanilang post palang, makikita na natin ang kanilang hard work sa pagiging rider at ang kanilang pakikipagsabayan sa mga lalaking rider. They said, nakakagaan sa loob ang pagiging lady rider dahil kaya nila ang nagagawa ng mga lalaki. Sinabi rin nila kung gaano kadali makasalamuha ang mga Ka-Panda at palagi silang sinasabihan na mag-ingat sa kanilang pag-deliver. Kadalasan, kapag nakikita sila ng Ka-Panda na lalaki, natutuwa sila kasi hindi ganun kadami ang babaeng rider. Ka-Panda Ma. Nazareth also said, dahil naka-bike lamang ito, suggested ng mga co-rider na siya ay gumamit ng motorcylce pero dahil sa bike, hindi na niya kailangan magbayad pa ng parking fee at gas. Hindi lang siya nakakamura pero exercise time din niya ito. 


Beauty Tips

Gandang Ka-Panda, inside and out, sila Ka-Panda Jhen and Ma.Nazareth ay nag-share ng kanilang beauty tips para sa mga Ka-Panda nilang babae. Simple lamang ang ibinigay ni Ka-Panda Jehn, “Always smile po.”, kahit na sobrang init and kahit na hindi pa makapagbigay ng tip ang customer, basta’t nakapag-share ito ng smiles sa kanila, masaya na siya dito. Ayon naman kay Ka-Panda Ma. Nazareth, Aloe Gel Lotion ang kanyang ginagamit bago siya magsimula sa kanyang shift. Also, marami-rami ang kanyang iniinom na tubig because palagi sila nasa ilalim ng araw at lamig ng ulan. 


Buhay bilang isang Ka-Panda

Every delivery, madaming sacrifices at pagod ang inilalaan ng bawat Ka-Panda. Katulad ni Ka-Panda Ma. Nazareth, kahit half a year pa lamang siya bilang isang rider, madami na ang naitulong sa kanya ang foodpanda. She said, “hindi sa lahat ng oras malakai sahod namin.”, kaya siya ay nagtatabi ng portion ng kanyang sahod kada araw upang siya ay makapagtayo ng maliit na business at isa sa kanyang pangarap ay maging partner ng foodpanda ang kanyang business.  

Para naman kay Ka-Panda Jhen, siya ay masaya dahil lalong dumadami ang kanyang na-meet na Ka-Panda at consider niya itong parang isang malaking pamilya. Dagdag pa rito, siya ay sobrang natutuwa dahil madami na ang naitulong sa kanya ng pagiging rider, katulad ng pagbayad sa kanyang mga bills and mga needs sa bahay. 


Sa lahat ng ito, ang kanilang mensahe para sa mga Ka-Panda nila ay:

Ka-Panda Jhen: 

“Regarding naman po dito be humble lang po lagi, sa mga matatagal at nag sisimula pa lamang kay foodpanda, wag pong mag pataasan dahil kahit mag pataasan po ang importante po is pare-parehas po tayong sumasahod gawa ng sipag at tiyaga natin mga foodpanda riders“


Ka-Panda Ma. Nazareth:

“Mensahe ko lang po sa mga kapatid ko sa kumunidad na to. Maging honest lang tayo sa trabaho natin. Ipairal ang integredad sa trabaho, kasi kahit madaming tao na minamata ang trabaho natin. Yan ang isang bagay na maipagmamalaki natin, na parte tayo ng foodpanda.. Tuwing suot natin mga uniporme natin iisang pangalan lang po ang dala natin and maging wise tayo sa perang sinasahod natin, hindi sa lahat ng oras nasa taas tayo mataas ang batch natin - it's either i-invest niyo sa real estate companies or magtayo kayo ng maliit na negosyo. Walang masama sumubok, ang masama diyan is kung hindi mo susubukan.”


Just like sina Jhen and Ma. Nazareth, patuloy na kumakayod ang bawat Ka-Panda upang makapag-provide sa kanilang pamilya. Sa isip, puso at sa gawa, ipinamalas nina Jhen at Ma. Nazareth ang totoong ganda ng mga lady riders at ng Pilipino.



1,051 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved