News & Stories

Search

#KwentongKaPanda: Gandang Ka-Panda ngayon ay PandaPreneur Na!

Nakilala natin ang isa sa mga ‘Gandang Ka-Panda’ noong June. Si Ka-Panda Maria Nazareth Gepayo ay nagbabalik bilang isang PandaPreneur!


Naka-receive ng madaming reactions at support si Ka-Panda Maria Nazareth nang kanyang i-post ang side business ng pagtitinda ng snacks katulad ng Champorado, Coffee Jelly at mga ‘Kutkutin’ (Hopia, Banana Chips at iba pa). Aside from this, ikinahanga ng iba ang kanyang ma-diskarteng gawain kahit siya ay naka off-duty. Ito rin ay kanyang kinabit sa delivery box niya at naka-inspire sa mga ibang Ka-Panda.



Photo from Maria Nazareth Gepayo


Bukod dito, umulan man o umaraw, kumakayod si Ka-Panda Maria Nazareth na magbenta sa kanyang mga Ka-Panda. Siya rin ay nagbigay ng care sa kanyang pag-deliver ng kanyang mga paninda upang hindi makalimot na kumain ng breakfast or meryenda ang mga Ka-Panda. Binigyan din niya ito ng reminder na kumain kahit nasa daan at palaging mag-ingat sa biyahe.

Photo from Maria Nazareth Gepayo


At dahil naka-off duty si Ka-Panda Maria Nazareth, kahit wala man siyang schedule ay hindi ito alintana sa kanyang pagbigay ng good vibes sa kanyang mga Ka-Panda. Ginamit niya ang situation na ito upang makapag-work at maka-provide sa kanyang anak. Pati na rin ang kapwa Ka-Panda ay tumulong para lalong dumami

ang mag-support sa kanyang side business.


Photo from Alcala Kent Daryl


Tunay nga na ang mga Ka-Panda ay ma-diskarte at hardworking kahit ano pa ang sitwasyong na kanyang kinakaharap. Testament si Ka-Panda Maria Nazareth na hindi nagtatapos ang gawain at trabaho sa isang panahon lamang, ito ay ang patuloy na paghanap ng mga opportunities upang ma-supportahan ang pamilya. Bukod pa rito, ang ating Panda Preneur ay nakapaghatid ng saya sa kanyang mga Ka-Panda, sana ay patuloy ang bawat isa sa mga Ka-Panda makahanp ng tagumpay sa lahat ng kanilang gawain.


Ito si Ka-Panda Maria Nazareth Gepayo, PandaPreneur.


Photo from Maria Nazareth Gepayo


689 views1 comment

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved