News & Stories

Search

#KwentongKaPanda: Jonathan, the Good Samaritan

Last June 25, na-touch ang madami sa ating mga Ka-Panda nang i-post ni Jane Cale Tamargo ang good deed ng isa sa ating Ka-Panda. Ang honest na Ka-Panda na ito ay si Ka-Panda Jonathan Araojo. Nagbalik si Ka-Panda Jonathan ng mga documents at mahahalagang ID tulad ng napaka-important na PRC License niya. Not only that, siya ay nakapagbalik ng mahigit sa Php 14,000 cash na labis na ikinatuwa ni Jane.


Nagpakita ng honesty at tunay na qualities ng isang Ka-Panda si Jonathan na lubos na ikinatuwa ni Jane. Nag-express si Jane ng malaking pasasalamat sa good deed ng ating Ka-Panda. Grateful at feeling blessed siya na kahit ganitong situation, natagpuan niya ang isa sa ating mga Ka-panda heroes.


Kagaya ng mga Pilipino ngayon na patuloy lumalaban at nagtatrabaho para sa kanilang mga families, hindi lamang hardwork at diskarte ang pinapakita ng lahat, honesty and pakikisama ang kailangan ng bawat isa sa atin, ito ay maging sa ating mga sarili at sa ating mga trabaho. Dito, siguradong makaka-receive tayo ng maraming biyaya.


Alam natin lahat kung gaano kahirap ang magtrabaho lalo na sa panahon ngayon ngunit, kasama dito ang pagkakaroon ng mga values na patuloy nating pinapaniwalaan at katulad ni Ka-Panda Jonathan, sana ay tuloy tayo sa pagiging honest at maging hardworking sa lahat ng ating gagawin sa life.


Ang pagiging good samaritan kahit kanino ay makakapag-bigay saya sa bawat taong ating natutulungan pati na rin ang sarili natin. Sa bawat araw na natatapos, ang lahat ng ating ginagawa ay tungo sa bawat goal and aspirations sa buhay. Pinatunayan ni Ka-Panda Jonathan na ang mga Ka-Panda ay hardworking, ma-diskarte at bukod sa lahat, totoo.


Photo from Jane Cale Tamargo




126 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved