News & Stories

Search

#KwentongKaPanda: Ka-Panda Life Remix!



Dahil sa success ng previous #KwentongKaPanda kung saan na-feature ang isang DJ rider, na-inspire din ang ibang mga Ka-Panda na i-share ang sarili nilang life remix sa buong foodpanda riders community. Pagkatapos ma-post ang kwento ng DJ rider, nag reach out din si Ka-Panda Karl Marvin Baun para ibahagi ang kanyang storya bilang isang foodpanda rider!



Katulad ni Roger D Fabile Jr., si Marv Palustre ay dating DJ na ngayon ay namamasukan bilang isang Ka-Panda. 5 months na siya nag-dedeliver, at nag-umpisa siya sa foodpanda dahil marami na ang nawawalan ng trabaho dahil sa lumalaganap na pandemic. Sabi niya na siya’y na-enganyong mag-foodpanda dahil sa potential na nakikita niya sa trabahong ito. Sabi niya sa interview,


Na udyokan ako pumasok sa foodpanda kasi nakikita ko na malaking tulong ito para sakin dahil halos lahat kaming nag-wowork sa mga bars and clubs ay nawalan ng pagkakakitaan [dahil sa COVID-19 pandemic].


Major changes din ang abot ng foodpanda sa buhay ni DJ Marv Palustre na makikita sa pagkakaiba ng kanyang lifestyle ngayon na rider na siya. Kung dati ay suki siya sa Manila nightlife, ngayon ay napapaaga na ang gising niya para maka abot sa kanyang shifts. Kwento ni DJ Marv Palustre,


Sa DJ naman, gabi lagi ang start ko hanggang madaling araw. Halos malaki talaga kinikita namin dahil ako, walang day off talaga. Every night talaga gigs ko. Then ngayon sa foodpanda naman nung una, sobrang dali ng shift at schedule. Nagriride na ako ng umaga at hapon.

Kwento din ni DJ Marv na hindi naging madali ang transition niya sa pagiging foodpanda rider, pero ito ay worth it parin dahil sa benefits na nakukuha niya bilang isang Ka-Panda.


Ang hirap dahil nasanay kami sa work talaga namin, pero wala kaming magawa dahil sa pandemyang eto. Buti nalang may foodpanda dahil laking tulong ito para sa amin.

Katulad ni DJ Marv, may power kayo ni i-change ang inyong kapalaran, mga Ka-Panda! Hawak niyo ang sarili niyong success, kaya’t gamitin ang storya ng kapwa niyong Ka-Panda bilang inspirasyon in order to #KeepGoing habang namamasada sa daan!



See also: #KwentongKaPanda: From Disc Jockey to Delivery!

129 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved