News & Stories

Search

#KwentongKaPanda: Padyak Para sa Pamilya!

Updated: Jun 11



Nag-viral ang isang post ng Biker Ka-Panda na si Michael Ryan Cifra noong May 27, 2020 noong siya'y nag-post ng bike na ginagamit niya para sa kanyang mga deliveries.




Si Ka-Panda Michael ay recently lang nag on-board. Siya’y pumasok sa foodpanda para makatulong sa kanyang magulang at mga kapatid. Dahil sa pandemic na nararanasan ngayon, mas ginusto niyang makatulong sa pangangailangan ng kanyang pamilya sa pamamagita ng pagiging foodpanda biker. Sabi ni Ka-Panda Michael na nakaka-pagod ang kanyang trabaho, lalong-lalo na dahil maiinit ang panahon. Pero nawawala ang kanyang pagod kapag umuuwi siya at nakikitang safe at buo ang kanyang pamilya. Ito din ang naging inspirasyon sa payo na nilagay niya sa caption ng post na nag-sasabi:



“Kailangan natin sumikap araw-araw para sa pamilya at sa sarili”

Inulat ito ni Michael dahil sa pag-aalala niya sa kapwa niyang Ka-Panda na nag-sisilbi bilang frontliner sa mga panahong ito. Umabot ng 600 reacts at 100 comments ang sinasabing post dahil sa dami ng mga Ka-Panda na sumasangayon sa nararamdaman niya. Dahil dito ay nasayahan si Ka-Panda Michael dahil na-feel niya ang supporta na buong community!


Nakaka-inspire talaga ang story na ito! Lubos ang hanga at pag-sasalamat ng buong foodpanda riders community sa dedikasyon mo, Ka-Panda Michael!

502 views2 comments

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved