News & Stories

Search

#KwentongKaPanda: Pag-ibig na Nagwagi

9 years of happiness. 9 years of challenges. 9 years of love.


Ang Ka-Panda couple na sila Emem Nidea, isang rider, at Yzha de Leon, na isa namang biker, ay patunay na love has no limits.


Si Ka-Panda Emem Nidea at Yzha de Leon


Sa siyam na taon nang kanilang pagsasama, hindi naging madali ang journey nila together, being part of the LGBTQ+ community. Nung nagsisimula pa lang ang kanilang relationship, nag-decide silang itago muna ito knowing na marami ang hindi makakatanggap, pero hindi nila ito hinayaang maging hadlang sa kanilang pagmamahalan.


Through the years, itinaguyod nila ang kanilang relasyon by looking for jobs together and working towards achieving their dreams. Kahit na nakaranas sila ng discrimination along the way, patuloy silang lumaban at nag-power through sa lahat ng kanilang problema.


Ngayon, things are going more smoothly than ever. Nang magsimula silang maging part ng ating foodpanda fleet, mas napabilis ang kanilang pag-iipon at napagaan ang kanilang buhay.


Si Ka-Panda Emem Nidea at Yzha de Leon


Ang ating community ng mga Ka-Panda ay very supportive din sa kanilang relationship, treating them as equals. Dahil at the end of the day, wala din silang pinagkaiba sa lahat ng tao, at ang kung sino man ang nagpapatibok ng kanilang puso ay hindi dapat maging basehan ng respect at mga opportunities na ibinibigay sa kanila.


Ang secret nina Ka-Panda Emem at Yzha sa isang pang-matagalang relationship ay ang pagiging kind and understanding sa isa’t isa. Sa tuwing may problema o away silang pagdadaanan, ginagamitan nila ng communication at patience para maayos ito. At sa huli, lagi lang nilang iniisip kung ano nga ba ang goals nila together at ang rason kung bakit sila patuloy na lumalaban at nagmamahalan.


Tatandaan na kahit anong mangyari, ang pagmamahal ay patuloy na mangingibabaw over anything else. Maligayang pagdiriwang ng pag-ibig, in all forms, shapes, and sizes mga Ka-Panda!


8 views0 comments

Recent Posts

See All

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved