News & Stories

Search

#KwentongKaPanda: Rap it up, Ka-Panda!

Our Ka-Panda riders, just like everyone else, have big dreams and aspirations in life. Gaya na lamang ng ating aspiring Ka-Panda rapper na si Adam Justin Elondo from Butuan, Mindanao!


Si Ka-Panda Adam during his foodpanda shift. Photo from Adam Elondo.


Adam’s love for rapping started when he was in high school, listening to hip-hop music by Mike Kosa, Republikan, and 187 Mobstaz among others. Nung mga panahong iyon, nahilig siya sa pag-memorize ng mga rap songs, ngunit hindi pa siya sumusulat ng sarili niyang verses.


One day, pinakilala siya ng kanyang kaibigan sa isang congressman na nagpagawa sa kanya ng original political campaign jingle na pumatok sa kanilang lugar. Kaya naman mula dito, tinuloy na ni Ka-Panda Adam ang kanyang songwriting. Nabanggit niya na ang pioneers ng fliptop industry na sina Abra at Loonie ang kanyang inspirations sa kanyang pagsusulat.


Si Ka-Panda Adam (wearing mustard yellow) with Mike Kosa and the Butuan Rap Movement during the Lakbay Concert 2015 in Butuan, Mindanao. Photo from Adam Elondo.


One of the biggest accomplishments ni Ka-Panda Adam in rapping ay ang makasama ng kanilang Butuan Rap Movement si Mike Kosa noong 2015 sa Lakbay Concert in Mindanao. He looks up to Mike dahil isa siya sa mga “nagtaguyod ng hip-hop sa bansa.”


Nagpasya si Ka-Panda Adam na maging Panda Rider nung May 2020 upang masuportahan niya ang kaniyang pamilya sa gitna ng pandemya. Through foodpanda, nabigyan din siya ng chance para mag-contribute sa pagsulat ng “Magningning Mga Ka-Panda” na mapakikinggan ng mas maraming tao.


“Binibigyan niyo kasi ang mga rider to show [their] hidden talents kaya nagpapasalamat [ako] sa foodpanda at na-appreciate niyo [ang] talent ko as a rapper,” sabi ni Ka-Panda Adam.


Sana ay na-inspire kayo sa journey ni Ka-Panda Adam na ipagpatuloy ang inyong dreams and aspirations, at kunin ang bawat opportunity na darating sa inyong buhay. Wag mag-dalawang isip na i-share sa ating community ang inyong hidden talents, mga Ka-Panda!



116 views0 comments

Recent Posts

See All

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved