News & Stories

Search

#KwentongKaPanda: Super Ka-Panda

Usapan ngayon sa social media ang isa nating Ka-Panda na nakapaghatid ng ngiti at saya sa ating customers sa Lipa City. Itong Ka-Panda natin ay nakasuot ng Spiderman costume mula sa sikat na Marvel movie na Spiderman. Si Ka-Panda Jhaycie Marcelino ang tinaguriang “Spider Ka-Panda” dahil sa kanyang unique na pag-deliver sa Lipa City, Batangas.

Photo from Mark Dimailig


Bata palang si Ka-Panda Jhaycie, nais na niyang magsuot ang Spiderman costume. Bukod sa pag-deliver ng tama, naisip niya na pwedeng i-mix up at gawing kakaiba ang foodpanda experience ng kanyang customers kaya’t kinuha niya ang opportunity to be his favorite superhero!

Photo from Jhaycie Marcelino

Sa panahon ngayon kung saan madami ang nahihirapan, sa pamamagitan ng mga simpleng act katulad ng ginagawa ni Ka-Panda Jhaycie ang nakakapagbigay ng aliw sa lahat. Marami-rami na rin ang nag-post sa social media upang ihatid ang kanilang masasayang mensahe sa ginagawa ni Ka-Panda Jhaycie.

Photo from Jhaycie Marcelino


“With great power comes great responsibility.”, bilang rider, responsibilidad natin ang makapaghatid ng mga delivery sa customers ng safe at maayos. Lahat tayo ay may kakayanan makapagbigay saya sa kahit ano mang panahon katulad ni Spiderman at ni Ka-Panda Jhaycie Marcelino ng Lipa City, your super Ka-Panda!



Photo from Jhaycie Marcelino


369 views2 comments

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved