News & Stories

Search

#KwentongKaPanda: That’s my Erpats!


Photo taken from Jon Patrick Fetalino Valdez on Facebook



Filial love is in the air sa isa sa mga rider groups dahil sa post ng isang Ka-Panda! Pinost ni Jon Patrick Fetalino Valdez ang picture nila ng kanyang erpats habang sila ay namamasada para sa foodpanda. Ika niya sa caption:


Flex ko lng erpat ko food panda 😁😁😁😁
Rs saten lahat..

Si Jon at ang kanyang tatay ay nag uumpisa pa lamang sa foodpanda, ngunit si Jon ay nauna maging rider ng isang buwan. Ang tatay ni Jon ay dating tricycle driver na nakapasok bilang rider dahil sa PandaTODA program ng companya. Ayon kay Jon, masaya siya dahil nakakapiling niya ang kayang erpats habang namamasada. Thankful din ang father-son duo sa oportunidad na binigay ng foodpanda sa kanila dahil mahina ang biyahe ngayon para sa mga tricycle drivers.


Proud na proud si Jon na Ka-Panda na din ang kanyang ama. Kita ito noong masaya niyang kinuwento ang tuwa ng kanyang tatay noong nakuha niya ang kanyang kauna unahang sahod dahil sa foodpanda.



Photo taken from Maria Nazareth Gepayo on Facebook



Dahil sa post ni Jon, na-inspire din ang ibang mga Ka-Panda na i-flex ang kanilang mga erpat. Isa na sa mga naki-ride ay si Maria Nazareth Gepayo na nag-comment din ng picture kasama ng kanyang papa. Sabi niya sa comment:


Say Hi to my poging Erpat 😅✌️ HAHAHAH. Naimpluwesyahan ko magpanda ngayon mas malaki na kita kesa sakin hahaha lugi paps 😂


Nakaka-proud basahin ang mga kwento niyo, mga Ka-Panda! Ka-isa kami sa sipag at pagsusumikap niyo araw-araw upang masuportahan ang inyong mga pamilya!


68 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved