News & Stories

Search

Life Hacks for Every Type of Ka-Panda!


Photo taken from Riders Frontliners Spotted on Facebook


Alam namin na hindi biro ang trabaho niyo, mga Ka-Panda, kaya’t naiintindihan din namin na nakaka encounter kayo ng ilang mga problema sa daan habang kayo’y namamasada. Nais namin mapabuti ang inyong experience habang kayo’y nagdedeliver, kung kaya’t heto ang mga tried-and-tested life-hacks na magsisigurado na palaging safe at smooth kayo habang nasa biyahe!



1. Water Resistant Visor


Photo taken from Issa


Hindi mo ba makita ang kalsada dahil sa ulan na nattrap sa iyong visor? Gumamit lang ng isang slice ng patatas at ipahid all over your visor. Punong-puno ng starch ang patatas, at ito ang tumutulong na mag-repel ng tubig sa iyong visor. All natural din ang life-hack na ito, kaya hindi mo na kailangang mag-alala about chemicals damaging your visor coating.



2. Anti-glare Visor


Photo taken from BMW Sport Racing


Hindi ka ba makamaneho ng maayos dahil nasisilaw ka sa liwanag ng araw? Simple lang ang solution diyan! Kumuha lang ng isang strip ng duct tape at ilagay ito sa taas ng visor para ito ang mag-bblock sa sinag ng araw.



3. Grease Be-gone


Photo taken from Men’s Health


Hindi mo ba maalis yung grasa na naiiwan sa kamay mo tuwing pagkatapos mo mag maintain ng iyong motor? Don’t fret dahil madili lang yan alisin! Mag-mix ka lang ng asukal at tsaka liquid soap at ito ang gamitin mo sa paghugas ng iyong kamay. Makikita mo na tanggal agad ang dumi galing sa iyong motor!



4. Tire Swap


Photo taken from Bike Hacks


Heto naman ang para sa mga Ka-Panda bikers. Alam niyo pa na mas mabilis kumupas ang inyong rear tire kesa sa gulong na nasa harap ng bike? Tuwing kayo ay magpapalit ng gulong, kunin ang inyong lumang front tire at gamitin ito para sa likod ng bike, at gamitin ang bagong gulong para sa harapan ng bike para makatipid sa pagpapalit ng gulong!



5. Shoes Matter


Photo taken from The Active Times


Attention Ka-Panda walkers! Sumasakit ba ang iyong mga paa pagkatapos ng shift? Baka dahil yan sa sapatos na sinusuot mo. Mas nakakasakit sa paa ang mga canvas soled shoes dahil hindi ito made for long distance walking. Mag-suot instead ng sports shoes o kaya running shoes para siguradong comfortable kayo with every step you make!



Gamitin ang mga life-hacks na ito, mga Ka-Panda, bilang gabay on how to Keep Going sa inyong mga deliveries! Ka-isa kami sa inyong pagpupursige sa gitna ng transition to the new normal!

338 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved