News & Stories

Search

Watch: Ang Ka-Panda Rescue Mission!





Ipinamalas ng mga Ka-Panda ang kanilang mabubuting loob sa pag rescue ng isang pusa na na-stuck sa isang kanal. Ayon sa nag-viral na video sa post ni Rey Jalop Ladesma, makikita ang dalawang mga foodpanda rider na nagtutulungan para masagip ang pusa na umiiyak sa takot. Gumamit sila ng recycled box na tinalian ng alambre para lang makatulong sa na-stuck na pusa. Dinig ang tuwa sa mga hiyaw ng mga nanonood sa sikap ng mga Ka-Panda para lamang ma-rescue ang pusang ito. Panoorin ang video sa baba.



Kita din ang tuwa ng mga netizens sa comments ng post na ito. Lubos ang pagpupuri para sa mga mabubuting Ka-Panda na ito dahil sa kanilang act of kindness na isinagawa para lamang masagip ang na-stuck na pusa.



Bilib na bilib kami sa bukal na puso ipinamalas niyo para sa kapakanan ng ating mga mahal na animals, mga Ka-Panda! Ipatuloy niyo lang ang pag-spread ng love at happiness gamit ang iyong biniyayaang mga gifts at talents!


55 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved