Search

Magiting na mga Bayani: Ka-Panda Service sa Gitna ng Pandemic

Recently, nag-announce ang gobyerno na balik ECQ na naman sa Metro Manila matapos magkaroon ng alarming rise in COVID-19 cases sa bansa. Dahil dito, maraming mga establishments, businesses, at iba pa ang kinailangang magsara muli at may curfew na rin ulit. Ngunit, just like all other frontliners, hindi natigil ang serbisyo ng mga Ka-Panda at tuloy pa rin sila sa kanilang hard work.


Tunay na modern-day heroes ang mga Ka-Pandas dahil rain or shine, pandemic o hindi, kitang-kita ang sipag at tiyaga nila sa mga road adventures nila.


Katulad na lamang ni Ka-Panda Renato, kung saan ibinahagi niya ang kaniyang amazing work kasama ang iba pang on the road Ka-Pandas.



Photo courtesy of Renato Del Rosario


Maliban sa patuloy na pagdedeliver ng essential food ng mga customers, napakalaki rin ng puso ng mga Ka-Pandas lalo pa’t tumutulong sila sa kapwa frontliners nila sa pamamagitan ng pagbigay ng ilan sa mga cancelled/unclaimed orders sa ating frontliners gaya ng mga police sa checkpoints.



Photo courtesy of Potrero Dos PCP


Hindi madali ang pag-expose sa sarili sa dangers ng pandemic para magtrabaho sa kani-kanilang pamilya at serbisyuhan ang mga customers. Pero lahat kinakaya ng mga super Ka-Pandas ‘yan!


Taos puso ang pasasalamat ng lahat sa inyong bravery, service, at perseverance, mga Ka-Panda! Mabuhay kayo!


40 views0 comments

© Foodpanda 2021. All Rights Reserved