News & Stories

Search

Maiiyak ka sa kanta ng Ka-Panda na to. Wanna listen?



Photo taken from Julian Lyle Pendon


Isang video ng mga Ka-Panda ang nag-viral noong May 25, 2020 matapos nila ipahayag ang kanilang kwento bilang mga foodpanda rider sa pamamagitan ng isang original song. Ipinakita ni Ka-Panda Julian ang kanyang talento sa pag compose, rap, at video directing sa haranang nagkwe-kwento ng buhay ng mga Ka-Panda.


Ipipinahayag niya dito na kahit mahirap ang buhay Ka-Panda, sila’y nagpupursige at nagsisikap sa kanilang gawain dahil “maginhawa ang dulot ng kanilang serbisyo”. Nafeature din ang isa pang foodpanda rider na si KaPanda Jayson na umawit sa chorus ng kanta. Panoorin ang original video sa baba.



Basahin din ang lyrics ng kanta sa baba:


[lyrics start at 0:33]

Ang buhay delivery ay hindi basta-basta

Nag-hihintay kung saan, Nag-hihintay kung kailan

Sa sobrang init at ulan, kami ay nandiyan

Hindi kami umaatras, kami po ay lumalaban

Kumukuha ng madaming shift para kumita ng mabuti

Upang umangat sa trabaho at makakita ng malaki

Nag-pupuyat hanggang gabi tapos pagod sa pag-uwi

Wala sa amin yon kasi naman ang sulit pre

Minsan madaming customers, minsan din wala

Minsan nakakainis, at minsan dulot ay saya

Minsan meron namang tip, na galing sa kanila

Minsan malayo mo ihatid, minsan malapit lang pala

Mapagmataas kami sa aming trabaho

Kasi kami ay inaasahan ng bawat tao

[...] at di to magbabago

Dahil maginhawa ang dulot ng aming serbisyo


[Chorus]

Mag-hihintay lang po kami sa order niyo

Mga Grab, Juan Ride, Panda, Tapao, pareparehas lang kami

Kaya ngayon nandiyan kami para inyong ibigin

Masarap magmahal ang panda, o kay sarap lambingin


Sa unang pasok sa trabaho nakakapagtaka kung paano ang kita, at papaano ginagawa

Sa una mong delivery ika’y maaabala

Kasi mahirap intindihin kung marami kang inaalala

Sa tuwing papasok yung order, nakakaligaya

Nasasabik mong ihahatid, at mapa-ngiti ka

Walang katumbas ang karanasan sa delivery mong una

Mga karanasan na hinding-hindi mo kayang mapalitan

Matuntunan ang mga daan na di mo pa napuntahan

Nagtatanong sa mga tao at ika’y natutulungan

Pina-panalangin mo na huwag gumawa ng kasalanan

Akala mo ay biro lang pero yun, makakatotohanan

Nag-papasalamat kami sa ganitong opportunidad

Maisusukli po namin ay ang magagandang kalidad

Pinapangako po namin na di kayo’y kakalimot

Kaya’t ginawa kong tong kanta para kayo’y pasalamatan


[Chorus] x2

Mag-hihintay lang po kami sa order niyo

Mga Grab, Juan Ride, Panda, Tapao, pareparehas lang kami

Kaya ngayon nandiyan kami para inyong ibigin

Masarap magmahal ang panda, o kay sarap lambingin



Hanga hindi lang ang Philippine foodpanda community, kundi ang ibang riders community around the world sa talento niyo, Ka-Panda Julian at Jayson! Buong puso ang suporta ng foodpanda riders community sa mga endeavors niyo!


1,154 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved