News & Stories

Search

Meet our Ka-Panda MVP!

Updated: Sep 7


Photo taken from Philippine Star on Facebook


Hanga ang lahat sa local basketball star at member ng Pasay Voyagers basketball team na si James Solero nang makita siyang nagdedeliver ng foodpanda goods. Sa Facebook post ng Philippine Star, kita na ang basketball player ay isang foodpanda biker din! Tignan ang original post dito:



Agad na namukhaan ng netizens si Ka-Panda James sa mga kuhang litrato dahil sa kaniyang experience sa pagiging parte ng Maharlika Pilipinas Basketball League at “Ligang Labas” Basketball League. Dahil dito, umani ng maraming likes at comment ang nasabing post.


Sinabi na ang dahilan sa likod ng career shift na ito ay dahil napilay ang sports at basketball industry sa panahon ng lumaganap na pandemic. Napabilib ang marami sa act of service, diskarte, at husay ng basketball star na ngayon ay delivery star na rin!


Anuman ang rason sa pagiging foodpanda biker ni Ka-Panda James ay kahanga-hanga ang kaniyang pagiging bibo on the court and on the road! Isa lamang ito sa napakaraming kwento ng husay, determinasyon, at dedikasyon sa pagsisilbi sa pamilya at sa community. Tunay na kayo nga ang MVP, mga Ka-Panda!



43,922 views

© Foodpanda 2020. All Rights Reserved