Search

Mga Dapat Tandaan ngayong Tag-ulan


Bilang rainy season na naman, mas encouraged ang lahat na mas maging alerto at handa just in case maabutan ng malalakas na ulan while on the road.



Dahil pabugso-bugso ang ulan at mahirap i-predict ang panahon while on duty, mas mainam na maging informed sa mga pwedeng gawin para mas safe and protected pa rin kahit bumibyahe. With this, ito ay ilan lamang sa mga safety tips na pwede ninyong gawin to prepare yourselves for the rainy season:


  1. Una sa lahat, make sure to always check your brakes at gulong. Wear protective gear lagi. Magdala na rin lagi ng kapote o raincoat just in case biglang umulan.

  2. Dahil mas nagiging mapanganib ang mga daan kapag umuulan, importanteng mag-slow down sa pagdrive para iwas aksidente dala ng slippery roads.

  3. Sa mga instances na sobrang lakas ng ulan, nagkakaroon ng zero visibility o kapag masyadong malakas ang ulan at hangin na nagiging dahilan na hindi masyadong nakikita ng rider ang kalsada. Kaya naman, kung maaari ay magsuot ng helmet na may anti-fog film o huminto saglit para punasan ang faceshield, helmet, side mirrors, at iba pa.

  4. Ilagay ang wallet, cellphone, susi, at iba pang valuables sa isang waterproof na lalagyanan.

  5. Iwasan ang mga water ponds, potholes, at debris kapag bumibyahe. Make sure to also keep your distance sa mga sasakyan sa harap at likod mo.


Photo from Top Gear Philippines

Although marami pang ibang safety tips na dapat tandaan, make sure to at least follow these para iwas aksidente tuwing tag-ulan. Staying informed and prepared is a must para sa ikabubuti ng marami!



77 views0 comments